Tag Archives: Pilosopiya

Ang Makataong Kalooban: Tungo sa Isang Pilosopiya ng Relihiyon

Laging may hinahangad ang tao, laging meron siyang ninanasa sa kanyang buhay, aminin man ito o hindi. Nananatili ang mga angaring ito sa kanyang sarili, ngunit maaari ring mulat siya sa iilan sa mga ito. Sa mga namumulatan niyang hangarin, niloob niyang tupdin ang mga ito sa kanyang buhay. Maaaring isang pinakamahalagang ambisyon o bokasyon, o hindi naman kaya’y isang mababaw na pagpapahinga man lamang pagkatapos ng isang mahabang panahong pagpapagal. May mga naisasakatuparan, mayroon ring kabiguan, ngunit nananatili ang kaloobang laging may hinahangad at nais isakatuparan sa buhay.

May hinahangad sa kalooban ng tao, laging may isang “hindi mapalagay na pusong” naghahanap lagi. Ito ang isang katotohanan na hindi kailan man matatanggihan: kalooban ng tao. May nasa loob ng tao na laging nais isakatuparan sa buhay, minsan nagpupumiglas, minsan namamayapa. Ngunit hindi kailanman namamayapa nang lubusan itong kalooban ng tao — sapagkat laging merong hinahanap na para bagang hindi malaman at hindi matapus-tapos na pagsasagawa sa buong buhay.

Ito ang pinagsikapang tingnan ni Maurice Blondel sa kanyang tesis doktoral na L’Action (1893).2 Sinimulan niyang tahakin ang landas ng kalooban, ng paghahangad ng tao, ang landas ng niloloob ng tao. Sa liwanag ng kalooban ng tao, may isang mas tuwirang tanong na nasa likod ng paghahangad at saloobin: May kahulugan ba ang buhay irg tao? May patutunguhan ba ang tao? (LA, 3). Kung ang tao ay katipunan lamang ng kanyang mga saloobin, ano ang saysay at kahulugan ng buhay makatao? Kung ang tao ay pinamamahalaan ng kanyang mga saloobing lampas sa kanya, ano na lang ang kalayaan ng tao na magpasya para sa kanyang sarili? Hindi ba ang mismong kaloobang nangingibabaw sa kalayaan ng tao ay isang malungkot na pangitain at kapalaran ng tao?

Aaminin kong ang obra maestra ni Blondel ay mahirap basahin, bukod sa halos lahat ng mapagkukunan ng rnga teksto ay mga salin mula sa wikang Pranses. Ngunit sa kabila nito, may tunay na pangkaraniwang

hinahanap at nais ipakita si Blondel, pangkaraniwan lalo na sa mga namimilosopiya at nananampalataya, upang pagmunihan ang halaga ng kanilang relasyon sa kalooban ng Diyos. Isa ring paanyaya sa mga di-nananampalataya ang kanyang nais ilahad, mula sa isang akademikong larangan, upang pagmunihan ang halaga rig kanilang relasyon sa isang Absoluto o Ganap na pinapalagay lamang sa ideya. Isa ring paanyaya sa mga hindi naniniwala, sa mga hindi Kristiyano, na tingnan ang kalooban ng tao at hanapin ang mga mumunting tinig ng pagtawag na naroroon. Napakahaba ng imbentaryo ng kanyang pananaliksik sapagkat nais niyang tingnan ang lahat ng palagay ng may paggalang sabay pagtitirnbang kung ito na ba ang kabuuang niloloob ng tao sa kanyang buhay.

Tatalakayin ng pagmumuni-muning ito ang kalooban ng tao na tumutungo sa isang Pilosopiya ng Relihiyon. Sa pagsisikap na ilahad ni Blondel ang iba’t ibang adhika na niloloob ng tao sa kanyang buhay, paano ba pumapasok ang Pilosopiya ng Relihiyon sa isang makataong pagsasaloob, sa isang makataong pagsisikap na gampanan at isakatuparan ang saloobin? Kung ang tao ay isang nilalang na tumutungo sa kanyang kaganapan, saan at kanino makikita ang kanyang kaganapan sa mismong pagtalakay sa kalooban ng tao? Saan ba nananahan ang pamamayapa ng kaloobang dinamiko? Ito ang mga tanong na ginagalawan ng papel na ito. Sa huling bahagi, magbibigay ako ng kaunting pagmumuni-muni sa tulong ni Gabriel Marcel ukol rin sa kalooban ng tao.

L’Action

Ang panahon ng L’Action ay tigib sa pagsisikap na ihiwalay ang pilosopiya mula sa pagiging Teolohiya. Naghahari sa buhay Pranses noong panahon ni Blondel ang mga adhikaing makatao at sekular na mayroong matinding impluwensiya nina Comte, Taine, at Renouvier.3 Kaya maraming puna mula sa iba’t ibang pilosopo ang L’Action sapagkat tinatalakay nito ang tungkol sa pananampalataya sa pamamagitan ng disiplina ng Pilosopiya. Nakikita nilang isang pakikialarn na narnan ito ng pag-iisip sa pananampalataya o isang pag-iisip pilosopikong nais lamang ipagtanggol ang teolohiya. Nais pangatawanan ni Blonde! ang isang gawaing pilosopiko na humahantong sa isang pagrnurnulat sa Diyos, hindi sa isang pilit na pamimilosopiyang ipinapalagay kaagad ang pananampalataya bago pa ang pagmumuni-muni, kundi hinahayaan niya ang galaw ng pagmumuni, ang galaw ng pagmamalay, sa isang mabagsik na galaw ng pagtatanong at pagsusuri, na humantong kung saan man ito hahantong, na walang pagpapalagay ontolohikal.

Samakatuwid, ang buong galaw rig pagtalakay ay isang kusang pagpasok sa tunay na pagmumuning malaya at nakabukas sa lahat ng posibilidad, lahat ng paninindigan. Tinitingnan ang kakayahan ng bawat paninindigan — kung angkop at sapat ba ito o nagkukulang na dapat lampasan, iwanan at iwaksi sa kahuli-hulihan (LA, 12). Ayon pa kay Blondel, sa simula ng L’Action:

Sa ugat ng walang kapita-pitagang pagtanggi o sa pinakabaliw na layaw ng kalooban, kailangang matutunan natin kung wala bang sinaunang galaw na nanatili na ating laging iniibig at niloloob, kahit na hindi natin aaminin o abusuhin man ito…. Dapat lamang na ilagay natin ang ating sarili sa pinakasukdulan ng magkakasalungat na rayos upang makuha, sa pinakasentro nito, ang mahalagang katotohanan sa bawat pagmamalay at ang galaw na pangkaraniwan sa lahat ng kalooban.

Samakatuwid, tinatanong ang lahat ayon sa kanilang kakayahan na ginagamit ang sarili nilang batayan. Tinitingnan ang lahat, sinusubukan kung “naroroon ba sa kanilang sarili ang kanilang sapat na pagpapaliwanag o ang pagwawaksi” (LA, 12). Itong imbentaryo rig mga layunin na niloloob ng kaloobang makatao ay pagpapakita rig mga posibleng dadaanan ng kalooban habang naghahanap ng katuparan sa paglalakbay sa buhay. Ngunit hindi rin kailangan na daanan ito lahat, o ayon sa pagkasunud-sunod na inilahad ni Blondel sapagkat “hindi posible, ngunit hindi rin kailangan na ubusin ang buong sanlibutan upang maramdaman na hindi ito ang magpapawi ng ating pagka-uhaw” (LA, 305). Ang mahalaga dito ay merong kaloobang naghahanap ng katuparan, at ang pagsasakatuparan nito ay nangangailangan ng isang pagkilos.5 May isang tunay na pagka-uhaw na hindi napapawi sa lahat ng uri at pamamaraan ng pag-iinom. Tsang pagkauhaw ito na naghahanap ng katugma, na kasing tindi rin ng panloob na dinamismo nito.

Vinculum Substantiale

Nagsimula itong pagtataka ni Blondel sa katangian ng pagkilos o pagsasagawa mula sa mga klasikal na sipi ni Aristoteles. Mula sa kanyang personal na mga nota na may panahong Nobyembre 1882, may binabanggit siya ukol sa pagkilos o pagsasagawa bilang accidens ng substantia. Tunay ngang hindi ito ang substantia ngunit napakahalaga sapagkat sa pamamagitan nito lamang nailalantad at naipapakita ng substantia ang pagka-substantia nito. Hindi meron sa tunay na kahulugan nito ngunit meron, sa maluwag tanggihan ang katotohanang ito, na siya namang nagbigay ng  loob kay Blondel na pagmuihan at sundan ang galaw ng pagmumuni-muni ukol sa katunayan ng pagkilos.

Ang kanyang pambungad na teksto ukol sa pagkilos o pagsasagawa ay may pamagat na Vinculum Substantiale. Kung wala siyang nakitang tugon at pagliwanag kay aristoteles, dito niya tinitingnan ang katangian ng pagkilos bilang isang galaw na nagmumula sa mismong  substantia, isang panloob na enerhiyang kusang “lumalabas, umaapaw” na hindi lamang basta isang accidens. Ayon pa sa kanyang nota “ang mabuti ay kung ginagawa ito” (NOTA, 1). Kaya  ang pagsasagawa o pagkilos ay kabutihan mismo ng substantia. Nangyayari ang kabutihan sa pagsasagawa. Ang hindi pagsasagawa ay nagbubunga ng kabaligtaran, isang pagsalungat sa meron. Samakatuwid, ang mismong pagsasagawa o pagkilos ay napakahalaga sapagkat dito lamang naisasakatuparan ang meron, isang prosesong  nakalutang, o isang konseptong  nasa isip lamang, ngunit totoong naroroon at binubuo, hinuhubog ang substantia. Isang vinculum substantiale ang pagsasagawa , isang kuwan na bumubuo, hindi mula sa labas, kundi isang panloob na bumubuo at nag-uugnay sa lahat ng nasa substantia. Ito ang sementong mag-uugnay upang maging buo ang meron. Sa mismong vinculum substantiale ni Blondel nagkaroon ng bagong mukha ang pagsasagawa, ang pakilos na hindi masyadong pinag-abalahan ng mga nakaraang pilosopo. Mula sa pambungad ng vinculum substantiale, sinimulan ni Blondel ang pagtahak sa buhay ng tao bilang pagsisikap na isakatuparan ang makataong kalooban. Hinahanap niya ang ugat ng makataong pagsasagawa. at kung ano ang layunin at hantungan nito.

Makataong Kalooban

Sa isang personal na nota ni Blondel, isinabuod niya ang tungkol sa katangian ng kalooban. Wika nya:
24 Nobyembre 1883 – Niloob ko. Nawa ang buong buhay ko tumugon at magbigay kahulugan: niloob ko. Niloloob ko na nilolob ng Diyos sa akin; hindi ko alam kung ano iyon , ngunit kasama siya magagawa ko ang lahat na kung ako lamang ay hindi magagawa …. Niloloob ko, niloloob ko ngayon, upang masabi rin bukas: niloloob natin; upang masabi rin natin sa pinto ng kamatayan: niloloob Niya (NOTA, 1).

Laging may niloloob ang tao. At ang mga saloobing ito ay kanyang pinagsisikapang isinasagawa sa kanyang buhay. Ngunit ang hindi pagsasagawa ay isa ring pagsagsagawa ay isang katotohanang hindi matatakasan ng tao sa kanyang buhay sapagkat ang pagtanggi ay isang pagkilala. Ang pagsasagawa at pagkilos ay isang hindi maiiwasang akto (LA, 4). Ngunit ang niloob madalas ay hindi naisasagawa, nabibigo rin. May pagkakataon ring nagagawa ang hindi naman sinasadyang niloloob, ngunit sa kahuli-hulihan ay tinanggap na rin bilang niloloob.

Sa pagsasaloob ng tao, ito ang mismong galaw ng kalooban na makiugnay sa mundong nakapaligid sa kanya. Ang mismong paghahangad ng kalooban. na “tumingin” at “lumalabas” ay tanda ng paghahanap ang tao sa kanyang buhay – at ito ang iniisa-isa ni Blondel sa kanyang buong pagtalakay sa L’Action. Pinapalawak ng kalooban ang kanyang sarili. Naglalakbay ang kalooban upang hanapin ang hinahanap nito, mulat man ang tao o hindi. Mistulang kamay na nagsisikap abutin ang nais abuting hindi maabut-abot.

Tunay ngang mulat minsan ang tao sa kanyang kalooban, ngunit may pagkakataong hindi rin niya namamalayang may ibang tagong kaloobang naroroon sa kanyangn sarili. May kaloobang kusang umaapaw sa tao, na minsan hindi niya pinasyang loobin niya, niloloob pa rin niya. Ito ang dahilan kung minsan, hinahangad ng tao ang isang bgay at biglaan na lamang sasabihin, “parang may kulang” sa kanyang hinahangad . May pinasyang niloob ang tao, ngunit nararanasan niyang “parang hindi ito ang niloob ko,” ngunit sadya ngang niloob ng sarili. laging may natitirang hindi pa sapat ang natutuklasan. Mistulang kamay na umaabot, ngunit pag may mas mahalaga pang kailangang hanapin. Hindi sapagkat walang halaga o hindi mainam ang natuklasan, kundi may panloob na tawag upang magpatuloy at umusad. Hindi napapahinto ng panlabas na adhika ang panloob na kalooban. May lumalampas na hindi basta-basta lamang, hindi isang guni-guni, kundi tunay na kaloobang dinamiko.

Sa isang taong nagpasyang mahalin ang isang kapuwa tao, mula sa kanyang kalayaan na “magmahal,” pinagsisikapan niyang tupdin ito sa kongkretong paraan. Ngunit habang pinapangatawanan ito, may mga pagkakataong naiisip rin tao, nadarama rin ng sarili ang isang pagdududa sa kanyang niloloob. Totoong buo ang pagmamahal tungo sa kapwang iyon, totoong tunay at tapat ang pagpapasya at pagtataya, ngunit nararanasan ang isang hindi-maipaliwanag na kaloobang bumabaling lampas pa sa minamahal na kapwa tao. Hindi pagtataksil ng kalooban, kundi isang “kaloobang hindi mapalagay,” isang kaloobang wala pa sa sariling tahanan. May ibang kaloobang sinanauna pa sa pinasya’t mulat na pagsasaloob ng tao na minsan nakikialam sa mismong pasyang isakatuparan, o dili kaya’y naroroon sa lahat ng pagpapasaya, paghahangad at pagsasaloob ng tao na tumutulak sa kanyang magpatuloy, umusad, kumilos pa sa paglalakbay.

Itong pagka-hindi-sapat na karanasan ay ugat ng walang sawang paghahangad at   paghahanap ng tao na nanggagaling sa kaloobang kusang nakaukit sa tao. Tinatawag ito ni Blondel na la volanté voulante (BC, 7). Kaya sa isang taong nagpapasyang mahalin ang kanyang kapwa tao, sa mismong pagsasakatuparan sa kanyang niloob, mula sa kanyang kalooban, nanatili ang pagka-hindi-sapat. Hindi ibig sabihing kulang ang pagmamahal, kundi habang pinapangatawanan ng tunay ang pagmamahal, ng may pagsisigasig, may iba namang hinagangad ang kalooban. Bumabaling sa iba, tumingin muli sa iba, hindi bilang pagtataksil kundi isang kusang galaw ng malayang kalooban. May panloob na dinamismong lumalampas sa mga niloloob ng tao.

“Ngayon, kailangan nating umusad ” (LA, 4), sabi ni Blondel. Upang hanapin itong hinahangad ni Blondel, kailangang sundan ang galaw ng kalooban at pagmamalay habang naglalakbay, ipagpatuloy ang pagmumuni-muni, ngunit itong pag-usad ay wala munang ipinapalagay.

Ninanais ni Blondel na tahakin ang landas ng kalooban sa isang maka-penomenolohikal na paraan (BC, 9) . Hayaang loobin ng kalooban ng tao ang kahity na anong niloloob nito, at hanapin kung saan namamayapa ang kalooban, na wala muna ang bigat ng ontolohikal na pagkilala. Ang pagsunod sa galaw ng dinamikong kalooban sa buhay ay isang pakikisabay sa sinaunang kilos ng kalooban.

Samakatuwid, ang pagmumulat sa dinamismo ng kalooban ng tao ay isang pagkilala na merong saloobing mulat ang tao (la volanté voulue) at may kusang galaw ng kaloobang nasa kaloob-looban ng tao (la vonlanté voulante) (BC, 7). Ang kusang gumagalaw na kalooban ang nagpapaapoy sa tao sa kanyang buhay, ang tumutulak sa tao na magpatuloy, maglakbay, umusad sa buhay, ang tumutulak sa tao na magpatuloy, maglakbay, umusad sa buhay. Isang bukal ng enerhiya ng tao na nagbibgay buhay sa kanyang kahulugan bilang tao, nagbibigay oryentasyon sa kanyang paglalakbay.

Ang Hindi Maiiwasang Pag-akyat (Imbentaryo)

Ang kusang galaw ng kalooban ng nasa tao ang nagbibigay ng oryentasyon sa mismong hakbangin ng pagpapatuloy. Hindi ito isang pilit o pinipilit na pagpapatuloy, kundi isang pagkukusa – sapagkat ang paghinto ay isang pag-amin na merong tinanggihan (LA, 33). Isang pangangailangan ang pag-usad, hindi lamang sa tulak ng pagmumula sa kalagayan ng pagka-hindi-pa-sapat. Isa rin itong pasyang kailangan ang pakikisabwat ng pagmamalay, ang payagan na magpatuloy ang pag-usad upang sundin ang galaw. Ang katindihan nitong galaw ng kalooban ay makikita sa buong imbentaryo ng pagsisikap ng tao sa buong buhay, at sa bawat hakbang nito ay masusulyapan lagi ang “pagka-hindi-sapat” (BC. 7). Habang hinahanap ng tao ang kaganapan at katuparan, hinahangad niyang magkaroon ng pagkakatugma ag kanyang niloloob at ang kusang galaw ng kanyang kalooban, na palagi namang di nagkakatugma sa bawat pagsisikap na patugmain. Itong pagpukaw ng pagkabalisa mula sa pagka-hindi-pagtutugma ng kalooban ay pagpapakita ng nakatagong balangkas ng kalooban ng tao . Isang hindi mawasak at hindi maaring matanggihang galaw ng kalooban ay laging umiiral sa bawat pagsasaloob ng tao. Unang hakbang na tintalakay ni Blondel ang delitantismo na tumatangging may problema sa pagsasagawa. Ito ang paninindigan ng taong ang lahat ay walang  pinagkakaiba, tunay ang lahat na nagkakasalungat, at walang hangaring tingnan kung may pagkakatugma ba (TC,56). Isa itong pagsisikap ipagtanggol ang sarili sa lahat upang mapanatili ang pagkahawak sa sarili – ang pagkabuo. Ngunit itong pagkabuo na hangkag sapagkat walang katapatan, walang paninindingan (LA, 30). Itong makasariling pagsamba sa hungkag na sarili. Mistulang laro lamang na hindi matapus-tapos ang lahat na ito, walang seryosong pagbibigay ng sarili. Kaya ang mismong pagtangging diletantismo ay isang pagkilala na meron ngang problema, nasa isang paninindigang may intrinsikong nagkakasalungatan ang posisyon ng diletante.

Hindi rin maaaaring negatibo ang tugon. Ang loobin ang wala ay nagpapakita ng isang pagsasalungat rin (BC, 7). Ang pagsasabing “walang tunay na hantungan ang tao kundi kamatayan, nihilismo” ay isang tunay na hantungan ang tao kundi kamatayan, nihilismo” ay isang matigas na paninidigan ng mga istowiko. Itong paninindigang nagmumula sa wala ay hahantong sa wala ang lahat ay kailangang iwanan sapagkat ang pagmamatigas ng loob ay isang pagkilala ng layunin ng kalooban. Ngunit sa kusang galaw ng kalooban, merong kusang niloloob ang kalooban, ” may layunin ang pagsasagawa” (LOA, 84). Hindi wala, may kuwan na hinahangad (LA, 54). Itong pag-amin ay bumubukal mismo sa kalooban na hindi matatanggihan, isang kailangang aminin sabay tanggapin. Nagkakaroon ng hugis, ito ang mga adhika ng ating pandama na nasa paligid (LA, 56). Ngunit itong mga adhikaing nasa ating paligid ay walang kahulugan kung walang nag-iipon. Ito’y nagmimistulang agos ng mga pandama na walang kahulugan, walang saysay at patutunguhan. Ito ang pagsilang ng agham na siyang nag-iipon ng mga layon ng pandama upang gawing isang maayos na kabuuan (BC, 7). Sa pagkakaisa ng dalawang uri ng agham, ang matematika at ang agham-natural, naisasagawa ang mismong pagbubuo ng mga karanasang nasa antas ng pandama (LA, 60). Ngunit itong pagkabuo ay hindi lamang katipunan ng mga karanasang pandama, kundi isang lampas pa dito,  isang kabuuan mula sa pagsasagawa ng pag-iipon ng agham.

Habang naiaayos ng agham ang mga karanasang pandama, sinusukat ayon sa nagpapakita, hindi sapat lamang ang pag-iipon na nangyayari. Kahit nagtatagumpay ang agham hindi ito dahil sa kanyang  sarili lamang at sa pagsisikap ng agham, kundi may isang lampas pa na gumagawa mismo ng pag-aagham at nagbibigay layunin sa lahat ng pananaliksik. Kailangan ng agham na may gumagawa mismo ng pag-agham at nagbibigay layunin sa lahat ng pananaliksik. Kailangan ng agham na may gumagawa ng pag-aagham. Hindi mangyayari ang pagkakaisa ng matematika at agham natural kung walang pagmamalay na gumagawa ng pagsasanib ng sukat at napagmasdan. “Isang suheto na gumagawa ” ang kailangan upang pangatawanan ang pag-aagham. Ito ang suhetong epiphenomenon na hindi maaaring iuwi bilang adhikain ng pag-aaral ng agham, kundi isang pagmamalay na bumubuo at nagsasagawa ng mga gawaing makaagham (LA, 91). Lumalampas sa kapatagan ng pagmamasid at pagsusukat ang pagmamalay. Iyo ang suhetong nagbibigay ng kabuuan at oryentasyon sa buong kilos ng agham.

Sa pagmamalay ng tao, naiipon rin ang kanyang sarili. Mula sa kanyang mga nakaraang pag-iiral bilang tao – mga katotohanang kanyang tinanggap, nakasanayan, natutunan, lahat ng ito ay bumubuo sa kanyang sarili bilang pagmamalay. Ngunit itong pagmamalay ay mulat rin sa mga posibibilidad na hinaharap nito sa kinabukasan – mga posibleng motibasyon (mobiles) na hinihimok ang pagmamalay na tumugon (LA, 113). Kaya nasa antas ang pagmamalay ng pag-angat tungo sa kalayaan na nagmula sa pagkatapos ng nakaraan. Kailangang aminin ang  pagkagapos, ngunit sabay may galaw ng kalooban na hindi ito ang lahat. May posibilidad na nakahain sa pagmamalay: kalayaang maaring galawan ng pagsasabuo ng sarili, muling pagbabago at paglilikha ng sarili. Ang pagsasagawa ng pagmamalay, sa liwanag ng kalayaang ito, ay isang pagpapasyang malaya mula sa iba’t ibang motibasyon (mobiles) na umuudyok sa pagmamalay. Kaya, may isang pagkakailangang tanggapin ang pagkatapos, at sa mismong pagtanggap, naroroon ang pagpapalaya (BS, 91). Ang pagpapasyang mula sa kalayaan ng pagmamalay ay lumilikha ng bagong karanasan, na hindi rin ibang-iba at bagung-bago, may ugnayan pa rin sa nakaraang pagmamalay. Ngunit sa pagpapasya, mula sa liwanag ng kalayaan, pumapasok  ang sarili sa isang mataas na larangan at antas ng pagmamalay, sapagkat may isang malayang pagsisikap na nangyayari (LOA, 85).

Habang umuusad ang galaw ng kalooban, umaangat ang kalayaan tungo sa pagsasagawa nito. Hindi maaring manatiling nakalutang ang kalayaan ng pagmamalay, kundi kailangan  itong isagawa, isakatuparan. Upang pangatawanan ang kalayaan, bumabangga ito sa mismong pagsasagawa. Upang pangatawanan ang kalayaan, kailangan ang katawan, ang pagkilos ng katawan. Ang pagsasalaman ng kalayaan sa katawan ay isang pagsasakondisyon, samakatuwid, ng kalayaan sapagkat  hindi matutupad. Samakatuwid, isang kondisyon ng walang-hanggang kalayaan ang maging may hangganan, sumasakatawan (LA, 150). Ito ang tanda ng pagiging bukod-tangi, pagiging indibidwal ng bawat isa. Nagkakaroon ng tunay na mukha ang pagmamalay, mula sa malayang pasya nito, sa pagsasakatuparan ng pasyang malaya.

Ang pagiging indibidwal ay hindi maisasakatuparan kung hindi nakikipagkapwa. ” Hindi nakagapos ang pagsasagawa sa loob lamang ng buhay indibidwal” (LA, 195). Sa pag-amin ng pagkabukod-tangi, naroroon ang pagkakailangang magbahagi ng pagkabukod-tangi sa iba ring sariling bukod-tangi (BS, 7). Sa pagtutulungang ito upang lumikha ng isang malalim ba katapatan, nakakabuo ang pagka-indibidwal ng isang mas lampas pa sa katipunan ng indibidwal – ang lipunan. Sa ganito ring paraan, ang kalooban ay nagbubunga hindi lamang ng lipunn, kundi ng sangkatauhan (LA, 259). Ngunit hindi lamang nagtatapos dito naglalakbay pa ang kalooban tungo sa buong sangkalawakan (TC, 147), hanggang sa larangan ng etika at metapisika hanggang sa aisang paghantong sa superstisyon: isang pagsisikap hanapin ang katuparan ng kalooban sa mismong buong imbentaryo na dinaanan sa pamamagitan ng pagtanggap na sapat na ito sa kanyang sarili.

Isa itong superstisyon sapagkat inilagay ng kalooban ang isang adhikaing nasa imbentaryo bilang katuparan ng lahat ng pagsasaloob ng tao — isang pagtatalaga ng relihiyosong halaga sa isang limitadong nilalang na naranasan ng kalooban. Sa pag-usad ng hinahangad ng kaloobangmakatao, naroroon sa bawat hakbangin ang h in d i-pagka-sapat na kalagayan, isang tanda na kahit mayroong sinadyang niloloob ang kalooban, hindi pa rin sapat lagi ang nahahantungan (BC, 8). Kaya ang superstisyon ay isang pagbaling sa mga adhikaing nadaanan at bigyang halaga ito lampas sa kanilang napapakitang halaga, sarnakaruwid gawing sapat ang totoong hindi naman sapat (TC, 193). Hindi ba ito isang panlilinlang lamang sa kalooban? Tunay ngang isang pagsubok na palitan ng may hangganan ang walang hangganan, isang paghalili rig may hangganan sa absoluto, upang mabuhay sa isang di-tunay na kaganapan at anino lamang ng tunay na pagkakatugma rig kalooban.

Nilakbay ng kalooban ang imbentaryo ng lahat na posibleng penomena ng kalooban, ngunit hindi pa tin napapawi ang katutubong galaw rig kalooban, hindi pa rin namamatay ang elan (LA, 300). Kaya Icallangang loobin ng kalooban ang sarili nito mismo. At sa pagsasaloob mismo ng sarili nito, nararanasan ng tao ang isang matinding pagkauhaw Pa rin (LA, 301). Nagkukulang pa rin ang sariling kaloo ban, lumalampas pa rin sa sariling kalooban ang elan, hindi pa rin namamatay ang katutubong galaw ng dinamikong kalooban ng tao. Is ang paglalampas na kailangan, ngunit imposible.

Mula sa pagsasalungatang ito sumisibol ang ideya rig Nag-iisang Karapat-dapat, ang ideya ng Diyos. Ngunit nananatiling ideya lamang hangga’t hindi naisasakatuparan. Ang pagsasagawa at pagsasakatuparan ng katutubong galaw ng kalooban ang “sementong bumubuo at humuhubog sa tao” (LA, 178). Ngunit hindi ganap na mabubuo at mahuhubog ang tao kung maiwan lamang sa kanyang sarili, sa kanyang pagsisikap na isakatuparan at tupdin ang kaganapan rig kanyang sarili, sa parnamagitan rig kanyang sarili. Nangangailangang isagawa ang ideya ng Absoluto, ngunit papaano? Imposible, pero kailangan. Ngunit hindi kailanman hahantong sa katiyakan at katuparan ang ideya kung hindi aaminin at isasagawa ng kalooban ang pagtanggap sa Diyos, sa kalooban ng Diyos. Naiiwan ang kalooban sa isang sangangdaan: pasyahin mula sa kalayaan na tanggapin ang Diyos o hindi:

Oo o hindi, loloobin ba niyang mabuhay, kahit hanggang sa huling hininga, na maghari sa kanya ang Diyos? 0 di kaya, magkunwaring sapat na siya sa kanyang sarili na walang Diyos…. (LA, 327).

Nakahain sa tao ang isang napakahalagang pagpapasya. Ang arninin na lahat ng kanyang dinaanang pagsasaloob ay nabigo. Ito ang kabiguang kailangang tanggapin — na hindi matatamo ang hinahangad ng tao sa mundong ito. Sa bawat paghahangad nangyayari ang kabiguan, sa bawat kalooban, may natitirang hindi pa ring napapawing pagka-uhaw.

Ito bang pagkauhaw ay isang uri rig parusa na pinanatili sa tao? Isang hindi matapus-tapos na pagdurusa mula sa pagmumulat na hindi kailanman matutupad rig pagmamalay ang mga hangarin nito? Tunay ngang pagdurusa at impiyerno sa isang nagpasyang bumaling sa adhikaing nadaanan, na nasa labas ng Diyos, sapagkat pinili ng kalooban ang walang hanggang “pagka-hindi-sapat.” Ang walang hanggang pag-kauhaw ay tunay ngang pagdurusa, na pinili rig kalooban mula sa kanyang kalayaan, kung papasyahin nitong bumaling at piliin ang sarili.

Banal na Kalooban: Pag-aantabay sa Biyaya

Sa katutubong galaw ng dinamismo rig kalooban natutuklasan, pagkatapos na madaanan ang lahat na ito, ang tunay na hinahanap ng kalooban: ang Diyos. Nagkakaisa ang kalooban ng tao at ang kalooban ng Diyos sa katutubong galaw ng kalooban — “isang lihim na kasal ang nangyayari sa pagitan ng kaloobang makatao at kaloobang banal” (LA, 342). ‘sang pagtaksil sa sumpaang ito ang pasyang bumaling sa sarili laban sa Diyos, humahantong na rin sa pagdurusa at kapahamakan rig kalooban. Ang pagtanggi na piliin ang kalooban sa Diyos ay isang pangangalunya sa sumpaan rig ating kalooban sa kalooban ng Diyos, na siyang bukal ng makataong kalooban.

Ang tumugon sa tawag rig buhay at pagsasagawa rig kaloobang makatao ay isang pakikibahagi mismo sa kalooban ng Diyos. Naroroon mismo ang kalooban rig Diyos sa katutubong galaw ng kalooban rig tao, bago ang lahat. Ngunit dumadaan ang kalooban sa paglalakbay mula sa isang hindi-pagkakatugma tungo sa isa pang antas hanggang humantong sa pagpapasyang napakahalaga tungo sa pakikiisa sa kalooban ng Diyos. “Isang pakikiisa na bumubuo sa atin, isang ugnayang ating niloloob sa ating sarili para sa Kanya habang niloob Niya iyon mula sa Kanya para sa atin” (LA, 342).

Kaya ang pagpapasyang ito ay isang pagbibigay ng kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos. Ang mismong hindi pagbibigay ng kanyang kalooban sa Diyos ay magbubunga ng hindi pagtamo rig tunay na pagsasakatuparan ng hangarin. Ang mismong kaloobang tinatago sa sarili, para sa sarili, ang maghahadlang sa kaganapan ng sarili (LA, 345). Wala nang ibang landas kung ito lamang. Hindi hahantong sa kaganapan ang pagsasagawa kung hindi ibibigay ng Diyos ang kanyang sarili sa tao (LA, 346). Isang malayang pagbitiw ng sarili, ng kaloobang makatao at isang paghihintay sa biyayang ipagkakaloob.

Ang pagbibitiw na ito ay ‘casing “sakit ng panganganak” (LA, 348). Binibitiwan hindi lamang ang isang mahalagang bahagi, kundi ang kabuuan ng kaloobang makatao upang tanggapin ang kabuuan ng Kanyang pagbibigay. Sa kalaunan, ang pagbibitiw na ito ay isang pagbibigay daan sa pagtatanggap, na hindi hurnihingi, ngunit nag-aantabay sapagkat ang Kanyang kalooban ang maghahari sa atin, na siya na ring katuparan ng katutubong kalooban. Ang pagkakaloob Niya ng kanyang sarili sa tao ay isang handog na inaantabayanan. Kaya ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay isang patuloy na gawain (LA, 378). Ang pananampalataya ay isang patuloy na gawain at pagtut-upad sa kalooban ng Diyos. Isa itong hindi matapus-tapos na pagbibitiw ng makataong kalooban, bilang kaganapan ng sariling kalooban, sa buhay ng tao.

Pilosopiya ng Relihiyon

Sa isang penomenolohikal na pagtalakay sa iba’t ibang elernentong niloloob ng kalooban, humantong ang lahat ng pagrnurnuni sa isang pagmumulat sa ideya ng Diyos. Itong pagmumulat at pag-arnin ay hindi isang pilit na sumulpot, kundi kusang dumarating, isang pagkukusang kailangan, sapagkat hindi matatanggihan ang katutubong galaw ng kalooban na laging nakakaranas ng “pagka-hindi-sapat.” Ang pagmumulat ay naghahain sa kalooban ng isang pasyang kailangan pangatawanan — at ito ang pasyang nagbibigay saysay sa buong adhika ng kalooban. Ang Pilosopiya ay humahantong sa ideya ng Diyos, ngunit kailangang lumundag at magpasyang pangatawanan ang pananampalataya, na nakahain bilang pasya sa Pilosopiya. Nagkakaroon lamang ng tunay na kahulugan ang mga adhikaing niloob kung ito ay tinanggap ngunit hindi sapat ng kalooban na tao, para sa kanyang sarili — na ngayon ay magpapasya sa pagtanggap na ang lahat sa mundong ito ay isang bigong tagumpay. Pagkabigo sapagkat wala sa mundo, wala sa sarili ang katuparan ngunit isa ring tagumpay dahil nakahain ang isang paanyayang kailangang magbukas ng kalooban, bitawan ang kalooban upang tanggapin ang banal na kalooban, na siya mismong bukal na magpapawi ng pagkauhaw.

Isang pilosopiya ng relihiyon, samakatuwid, ang L’Action sapagkat mula sa disiplina ng isang pag-iisip na mayroong mabagsik na sinusundang daloy,  mula sa isang makisig na pagmumuni-muni ng pagmamalay, ng penomenolohiya, humahantong sa isang pagkilala sa Diyos na naghahari ngunit sabay nagpapalaya. Sa isang banda, isang paanyaya samakatuwid, itong buong pagsisikap ni Blonde’ sa mga “hindi nananampalatayang isip” (BC, 199). Nais niyang ipakita na tunay ngang ang hinahanap rig kalooban rig tao ay ang Diyos. Ngunit ang kanyang paglalahad ay hindi isang pagtatanggol rig teolohiya o isang pagsisikap na talunin ang mga argumentong laban sa pananampalataya. Nanatili si Blonde’ sa isang mahinahon ngunit tiyak na landas ng pagmumulat sa Diyos sa kusang pag-usad ng pagmamalay upang sundan ang galaw ng kalooban.

Dito rin nailalahad ang katotohanan ng kalayaan ng tao at ang biyaya ng Diyos. Ang kalayaan na gumagalaw sa kalooban ng tao ay isang kalayaang biyaya rin rig Diyos sa tao. Upang pangatawanan ng tao ang kalayaang ito, kailangan niyang isabuhay. Ngunit sa kahuli-hulihan, kailangan niya ring bitawan ang kalayaan, mula sa kanyang kalayaan, magpasyang bitawan ito upang tanggapin, na may kalayaan, ang kalooban rig Diyos: isang pagwawaksi rig kalayaan upang maging ganap na malaya. Hindi ba ito ang hinahanap ng kalooban? Ang pagkakatugma ng kalooban ng Diyos sa kalooban ng tao ay nasa pagbibitiw upang hayaang tanggapin ang pagdating rig kalooban ng Diyos, ng pagbabahagi ng sarili ng Diyos.

Kaya ang kalagayang makatao ay “isang paghahanda rig daan” upang hintayin ang pagdating ng inaasahan, isang adbiyento. Ang papel ng kalooban ng tao ay up ang magbigay ng puwang sa kalooban ng Diyos, kaya kailangan nitong bitawan ang kanyang sarili upang tanggapin ang bukal ng kanyang sarili. Kailangan nitong tanggihan ang kanyang kalooban upang bigyan ng puwang ang bukal ng kanyang kalooban. “Kailangan makakatanggap lamang ang kalooban ng tao mula sa isang mas lampas pa sa k-amay ng tao” (LA, 445), na siyang kahulugan ng buhay at hantungan ng kalooban. Doon lamang mamamayapa ang kalooban, sa pamamaalam sa sarili, upang tanggapin ang kandungan ng Diyos.

Kaya nga ang kataga ng paghihiwalay pisikal
Na nagsisimula sa pagyayakap ng magkakaibigan
Na maghihiwalay,
Ang yakap na laging malayo
Sa pinakamahigpit na yakap nito ay
Ang salitang “paalam” (LA, 405).
Ngunit kailangan ibigay ang lahat para sa lahat;
May banal na kapalit ang buhay,
Kahit sa kabila ng kanyang mayabang o senswal na pagkukulang,
May sapat na pagbubukas-palad ang sangkatauhan na mas malting bahagi
Sa sinumang hihingi ng lampas dito (LA, 445).

Ang Pulong: Usa ka Pamalandong

Sa Tibuok nakong kasinatian sa pilosopiya, wala pa gyod ko makasulay pagsulat ug pagpamilosopiya sa Binisaya. Ingles pirmi ang akong gamit. Mao man kini ang akong naandan kaniadto pa. Ang mga libro ug artikulo sa pilosopiya nga akong ginabasa nahisulat sa Ingles. Sa eskwelahan kaniadto, Ingles man pod ang gamit sa klase. Busa, nakat-on na lang pod kog Ingles.

Hanas ko magbinisaya. Gipakatawo ug midako ko nga Bisaya. Binisaya ang akong ginamit adlaw-adlaw. Apan ngano man nga dili Binisaya ang akong ginagamit sa pagpamilosopiya nga Bisaya man unta ko?
Karun na siguro ang tukmang panahon nga mosulay ko sa pagsulat ug pagpamilosopiya sa Binisaya. Kini akong gihimo dili lang tungod kay gusto nako ibutyag nga gimahal nako ang akong kaugalingong sinultihan. Aduna pay lain ug mas bug-at nga kasikaran. Gusto nako masabtan ug matungkad kon unsa ang kahulogan sa pulong ug kon unsa ang kalabotan niini ngadto sa pagpamilosopiya aron makaingon ta nga adunay kalahian kon magpilosopiya ta sa Binisaya ug kon magpilosopiya ta sa Ingles. kini nga butang ang akong pangitaan og tubag niining papela.

Ang Pulong ug ang Salabotan

Sa tanan nga mga binuhat sa kalibutan, ang tao lang gihatagan og gasa sa salabotan. makamao siya maghuna huna, mamalandong ug mangatarongan – mga lalaki nga dili mahimo sa iro, manok, o kanding. Gumikan niini, nabag-o sa tawo ang nawong sa kalibutan.

Gihatagan niya og kahayag ang kangitngit, kasaba ang kahilom, ug katugnaw ang kainit.

Matod ni Hans-Georg Gadamer, usa ka Aleman nga pilosopo, ang salabotan sa tawo dill hingpit uyamOt (TM, 422-425). Aduna Kini kinutoban. Kon maghunahuna ang tawo, dili sama sa kompyuter nga sa isa lang ka klik, paspas kaayo motrabaho. Una makakab-ot og hingpit nga pagsabot ang atong hunahuna, daghan pa kini agian. Mongadto-nganhi, morag makig-istorya sa kaugalingon. Ang atong kaistpan mangita og sumpay sa lahi-lahi nga mga kasayoran aron inakit-an ang kinatibuk-an. Busa, dili kalit ang pagkawhat sa pagtukib sa auong hunahuna. Hinay-hinay kini.

Apan ang pagngadto-nganhi nga giagian sa atong hunahuna dili mahitabo kon walay pulong. Ang pulong mao ang pinakau kinahanglan aron kita makahunahuna. Ang agog , salabotan l dili malcalihok kon bulagsa pulong. Angpaghan-ay sa atong rnga nahunahuna dungan usab sa paghan-ay sa mga pulong. Kon walay pulong, salabotan. Usa ra ang pulong ug ang salabotan (PH, 27). Dako nga magic kon makahunahuna ang tawo bisan og walay pulong. Mao nga kon dili mapamulong, wala. Kulang man ang pulong aron mahulagway ang atong mga kasinatian, ordinaryo o mistikal, ang pulong pa gihapotl ang naghatag kanato og giya aron kita makaingon nga duna kitay nasilaati.

Kon nagkahiusa ang pulong ug ang salabotan, gipasabot nga ang pulong dili usa ka galamiton sa hunahuna ug, ilabi na, sa tawo. Atong galamiton tnahimong biyaan o ipadaplin. Sa panon nga ato king gamiton, diba kini kanato. Apan kon dili na kinalianglan, ato kitting ii ilabay o ibutang sa daplin nga layo kanato. Ang pulong dill sama niini. Dili puwede nga mogamit ta og usa ka pulong gika sa bodega sa atong mga baba, unya pagkahuman ato kini ibalik usab didto kon asa daghang mga pulong nga atong puwede mapilian (PH, 21). Kon maingon ant ang kahimtang, aduna diay panahon sa hunahuna ug a kinabuhi sa Itawo nga dill niya kinahanglan ang pulong, nga hilayo at a sa pulong.

Sukwahi kini sa atong kasinatian. Walay panahon nga gawas kita sa kalibotan sa pulong. Dili kita makahunahuna ug mabuhi kon walay pulong. Dili kita puwede makalingkawas gikan sa’ pagkabilanggo sa puking bisan og temporaryo lamang. Diha na kita daan sa pulong kaniadto pa. Kita ang giangkon sa pulong. Dili kita ang miangkon niini
sama sa usa ka galamiton. Ang pulong ug salabotan magkauban gayod sa tanang panahon.

Busa, matod ni Gadamer, sayop ang ginatawag nga “Instrumentalist Theory” sa lengguwahe nga maoy sinugdanan sa konstruksyon sa mga artipisyal nga mga pulong (TM, 414 — 417). Kabahin mini wig mga siyentipiko o teknikal nga terminolohiya kon asa morag gipatay ang kinabuhi sa pulong pinaagi sa paghatag mini og usa ka piho (fixed) nga kahulogan. Tinuod nga ang paggamit sa mga teknikal nga termino makahatag og kalinaw sa mga pulong nga dili klaro aron malikayan ang sayop nga interpretasyon. Apan mao usab kini ang hinungdan aron dill makasabot ang ubang tawo sa maong pulong, ilabi na gayod kadtong mga ordinaryong tawo.

Kon ang pulong ug salabotan magkahiusa, dili mahimo nga mas hawod ang tawo sa pulong. Dili siya makalingkawas sa pulong bisan unsa pay iyang buhaton.

Ang Pulong ug ang Kalibotan

Sumala ni Gadamer, dili lang tungod sa pulong nga ang tawo makaangkon og salabotan. Sanglit adunay pulong, ang tawo makabaton usab og kalibotan (TM, 443). Ang kalibotan’ dili usa ka koleksyon sa mga butang nga gitapok sa tawo. Ang kalibotan mao ang konteksto 0 sitwasyon kon asa gilabay ang tawo nga mamahimong basehan sa iyang salabotan. Ang pulong nagpailaila sa tawo ngadto sa usa ka klase nga kinabuhi nga nasinati nang daan sa ubang mga tawo. Magtudlo kini kaniya mahitungod sa usa ka pamaagi sa pagsabot ug pag-aninaw sa kalibotan, sa usa ka tawhanong panghunahuna ug pagpuyo Sukwahi_ sa pagtuo sa sosyolohiya, ang pulong dili nato maingon nga parte lang sa usa ka kultura. Kon dili, mao gyod kini ang sumbanan ug kinabuhi sa usa ka kultura. Pinaagi diha sa sinultihan atong makita ang kultura sa mga tao.

Pananglitan ang pulong nga “po” ug “opo.” Kini nga mga pulong gikan sa Tagalog ug ginagamit sa mga Tagalog kon makig-estorya sa mas tigulang sa ilaha. Kon mogamit ka niani, nagpasabot nga ikaw matinahoron. Apan, kabalo ta nga sa Binisaya, dili nato ni ginagamit nga mga pulong. Kon dili ta mag-“po” ug “opo” sa atong nanay o tatay, manang o manoy, lobo o lola, o si kinsa man nga dill nato kaila apan mas magulang sa atoa, dill nagpasabot nga kita walay pagtahod. Dinhi atong mamatikdan nga ang atong mga ginagamit nga mga pulong magtudl° kanato sa usa ka kalibotan nga lahi sa uban.

Tungod kay daghan man ang tawo nga adunay magkalainiain nga nitibong pinulongan, daghan ug managlahi pod ang pagtan-aw sa tawo sa kinabuhi. Ang mga Bisaya lahi ra sa mga Tagalog. Ang Bisaya kon mag-inestoryahanay, mora og nag-away kay bisan og magdug-ol ra, magsininggitay. Ingon sa uban, kini nagpasabot nga isog ang Bisaya sama ni Lapu-lapu. Ang mga Ilonggo pod, lahi ra ang Sa dill pagdaot, mora og “luyat” mag-estorya ang Ilonggo, nagpasabot nga ang mga Ilonggo mga “swit” nga tawo, apan kon masuko, ikaw na lang motago.

Miingon si Gadamer nga ang tawo dili makasayod kon ikanus-a siya nakahibalo pagsulti sa iyang unang pulong. Siya nahisulod tna diha daan sa usa ka kalibotan. Ang pagkahibalo sa usa ka sinultihin suns sa pagkahibalo kon unsaon paglangoy. Naunlod na kita daan sta tubig. Nakasalom na kita una makalangoy. Diha na kita daan sa pulong una kita makahibalo mo-estorya. Ang pulong sama sa usa ka siyudad diin kits gipakatawo, mipuyo, ug midako.

Apan sama usab sa usa ka siyudad, dili kita gipreso niini. Ang atong nitibong pinulongan nagahatag kanat og kagawasap aron molangyaw sa ubang siyudad, aron makakat-on sa ubang pinulongan. Ang atong nitibong pinulongan modala kanato ngadto sa ubang mga pinulongan aron sila usab ato nga pagapuy-an. Mas paspas gani ta makahibalo kon mopuyo gyod kita sa lugar kon asa kini ginagamit adlaw-adlaw. Dili lang tungod kay magamit nato adlaw-adlaw ang pulong, kon dili usab kay diha dayon masinati Kato ang kalibotan sa alga tao nga naglitok “sa maong sinultihan. Mas masabtan nato ang mga nuances sa matag pulong.

Sukwahi sa giingon sa mga lingguwista, si Gadamer mibarog raga ang pulong dili puwede ikahon ngadto sa porma ofo (PH, 65). Ang porma mao ang gramatika, syntaksis, ug ponetika sa le ggnwahe. Kon atong ibulag ang mensahe sa porma, ang pulong mawad ag bill. Mamatay kini. Walay unod. Ang pulong pulong tungod kay adun kini ginaingon. Ang porma sa pulong mawagtang ngadto sa mensah sa panahon nga kits mogarnit niini. Ang tugon sa pulong mao ang konon nga kalibotan diin kita mipuyo. Busa ang pagtuon kon unsaon pag-estorya sa usa ka pulong dili sama sa pagsag-ulo sa mga estruktura ug balaod sa gramatika. Kon dili, sama kini sa pagsabot kon unsa ang mensahe sa pulong pinaagi sa adlaw-adlaw nga paggamit niini.

Human nato makit-an ang kalabotan sa pulong ngadto sa kinabuhi sa tawo, karon mahimo na siguro natong tan-awon kon unsa ang kalabotan sa pulong ngadto sa pagpamilosopiya.

Ang Pulong ug ang Pagpamilosopiya

Ang pagpamilosopiya ginaingon nga kauban kanunay sa hunahuna nga walay hunong sa pagpangita sa kamatuoran. Ang tawo gihatagan og salabotan aron iyang mas masabtan ang mga panghitabo sa kalibotan. Tungod niini, ang pilosopo migahin og dako nga panahon para magtuki ug marn.al a n dong sa mga importanteng butang sa kinabuhi nga kasagaran gibalewala sa mga ordinaryong tawo. Kinsa ang Diyos, unsa ang Lama ug maayo, ug kinsa ang tawo — kini ang pipila sa mga butang nga buot pangitaan og katin-awan sa pilosopo.

Apan kining mga butanga mapangitaan larnang og katin-awan sa pilosopo sa adlaw-adlaw nga tawhanong kasinatian. Mao nga ang tinuod nga pilosopo dili kadtong naglutaw lang sa hangin, hinunoa siya kadtong nakabarog sa yuta. Kahibalo siya sa mga katikaran sa iyang palibot. Dili siya buta ug bungol. Dili siya nakapuyo sa ibabaw sa tore ug nagalantaw lang sa mga panghitabo sa ubos. Kahibalo siya monaog ug molihok, mo-apil-apil sa mga katikaran, ug makighimamat sa ubang mga tawo. Kon ginapangita sa pilosopo ang kamatuoran, siya mahimong mopahilayo sa mga konkretong butang sa kalibotan.

Ang pagpamilosopiya dili lang puro hunahuna. Adtina pod kiniy lihok. Kon ang pilosopo puno og kinaadman, puy-an usab niya angiyang mga nahikaplagan sa pagtuki ug pamalandong. Mabimo niya kini nga iyang kaugalingong pagtukib ug paglantaw sa kinabuhi ug kalibotan.

Kon namilosopiya ta, gipili nato ang usa ka matang nga kinabuhi ug kalibotan nga atong puy-an hangtod sa atong lubnganan. Buss ang pagpamilosopiya kinabuhi ug Kon mao kini ang buot ipasabot sa pagpamilosopiya, unsa man ang kalabotan sa pulong niini?

Una, imposible makahunahuna ang pilosopo kon walay pulong. Aron’makapamalandong, nanginahanglan siya og mga pulong. Dili ug dill niya makit-an ang kamatuoran kon walay pulong. Ang pulong sama

sa usa ka suga nga naghatag og kahayag aron iyang rnahulagway ang kamatuoran. Kon walay pulong, kangitngit lamang ang mopatigbabww. Walay mahunahunaan ug walay masabtan ang tawo. Sa laktod nga pagkasulti, walay mahitabo nga pagpamilosopiya.

Ikaduha, tungod kay ang pulong kalibotan man, ang pulong magtudlo kanato sa pilosopiya sa usa ka katilingban. Tungod sa paggarnit sa ilang pulong, makat-on kita kon unsa sila maghunahuna, mangatarongan, mamalandong, manimuyo, ug maglantaw sa kinabuhi. Busa kon mamilosopiya kita sa Ingles, misulod kita sa kalibotan sa raga tawo nga ang nitibong sinultihan Ingle’ s. Kita maghunahuna sama sa ilang panghunahuna, magtan-aw sa kalibotan sama sa ilang pagtan-aw sa kalibotan.

Apan kining pagsulod ngadto sa ilang kalibotan nga mahitalbo tungod sa pulong dili perpekto o puro, bisan og mopuyo pa kita sa us al ka komunidad nga Ingles ang nitibong pi nulongan. Impos ible kini mahitabo tungod kay dili nato mabiyaan sa tinuoray ang atong kaugalingong konteksto ug kasinatian. Ang puwede nato mahimol mao lamang ang pagbutang sa Ingles sa Binisaya nga konteksto. Busa makaingon ta  og Binisaya nga Iningles tungod kay atong ginapaningk motan nga ihaom sa atong Binisayang kalibotan ang Ingles nga kalibotan.

Sama usab niini ang mahitabo kon mag-estudyo kita og raga’ pilosopiya sa ubang langyaw nga pilosopo. Dili nato makalimtan ang atong kaugalingong pilosopiya, ang atong kaugalingong pagtan-law sa kinabuhi tungod kay dala-dala nato kini bisan asa ta ipadpad sa kapalaran. Ginahaom lang nato sa atong kaugalingong konteksto ang mga nindot nga. pilosopiyang langyaw. Lisod man tuod masabtan sing pilosopo sa Pranses, Aleman, Griyego, Amerikano, o Indiyan, tungod kay dill man kita makahibalo mosulti sa ilang sinultihan o wala kita nakasinati sa estayl sa ilang kinabuhi, span dili kini nagpasabot nga dill
nato sila masabtan.

Ang pulong dili sagabal sa pagsulod sa pangh nahuna sa ubang tawo. Ang pulong mag-abre usab kanato sa ga ghaan aron kita makasabot sa ubang pagpamilosopiya. Mao nga bisan og lahi-lahi ang atong mga pagsabot sa kamatuoran ug sa kinabuhi, bisan ria  magkalarhi-lahi and atong mga pinulongan, magkasinabtanay gihapon kita. Tungod kay ang pulong mismo nagtudlo kanato nga, isip mga tawo, adunay flea butang nga nasinati natong tanan. Pananglitan tanan kita adunay mga kasinatian sa gugma, pag-antos, kagawasan, kasakit, kalipay, katahoin, ug uban pa.

Konklusyon

Kon magpilosopiya kita sa Binisaya, aduna gayod kini imitation kon magpilosopiya kita sa Ingles. Sanglit ang Binisaya mao ang atong nitibong pinulongan, mas masinati nato kon unsa to maghunahuna, magtuki, mamalandong, mangutana, ug molantaw sa atong kinabuhi. Kay ang pagpamilosopiya migamot man diha sa atong kasinatian, mas mapalalom nato ang atong mga panabot sa tawhanong kinabuhi. Aduna kitay makaplagan nga importante ug matahom nga mga butang nga dill nato sagad makita kon magpilosopiya kita sa langyaw nga pulong.

Apan. kini dili sayon himoon. Angatongmga hunahuna nakonclisyon nang daan nga magpilosopiya sa Ingles kay mao naman kini ang atong naandan. Usa pa pod, wala pa gyod nadokumento nga estayl sa pilosopiya para sa mga Pinoy, ilabi na gayod sa Binisaya. Kini nagpabilin nrdakong hagit sa mga Pilipino. Kay imbis nga mahalon nato ang atong nitibong pinulongan, pirmi naman nato og praktis sa Ingles. Usahay, ato pa gaol Ingles dayon ta aron mapansin. Mag-Ingles-Ingles pod bisan og mall. Ambot kon kanus-a pa ikaulaw ang atong nitibong pinulongan. Mag-Ingles-makita sa mga Pilipino ang kahalangdon sa atong nitibong pinulongan ngadto sa nasudnong kalamboan.

Dako nga hagit para sa mga Pilipinong pilosopo nga magpilosopiya sa kaugalingong pinulongan. Dako usab nga hagit ang pagpangita kon unsa ang pilosopiyang Pinoy. Kinahanglan kita mobalik ngadto sa atong mga karaang tawo, sa mga Lumad, tungod kay didto man nato makit-an ang orihinal na Pilipinhong paghuna-huna, pagtuki, ug pagsabot sa kinabuhi ug kalibotan. Sila ang mga tinuod ug nagpabuhng Pilipino — wala nagpatental sa mga langyaw nga butang, ug wain mga langyaw .