Tag Archives: Dalawang Mukha

Dalawang Mukha ng Kasaysayan sa Silangang Mindanaw

Ang binhi ng pag-aaral na ito ay isang tanong: Papaano tayo nasupil ng mga kolonyalistang Kastila sa ating sariling lupa at tayo ay laging nakararami? Hindi ko hangad na masagot nang buong-buo ang tanong na ito. Ang tanging layunin ko ay makapagbigay ng panimulang sagot at giya para sa karagdagang pananaliksik. Pinili ko ang teritoryo na ngayo’y tumutugma sa dalawang probinsya ng Agusan, dalawang probinsya ng Surigao, at hilagang bahagi ng Davao Oriental sa sumusunod na mga dahilan. Una, dito nangyari ang pinakamatingkad na pag-alsa at pagtutol ng mga tao laban sa mga Kastila (maliban sa pakikibaka ng mga Moro). Pangalawa, dito nagkaugat nang malalim ang Kristiyanismo bunga ng halos walang patlang na misyon ng mga Agustinong Recoleto at mga Hesuwita. At pangatlo, dito maituturing na matatag ang pagkakatayo ng kolonyalismong Kastila. Angpag-aaral ay nakatutok sa dalawang bahagi. Angunang bahagi ay tungkol sa pakikihamok ng mga tao laban sa mga Kastila, at angikalawang bahagi ay tungkol sa pagtanggap ng mga tao sa pananampalataya ng mga Kastila. Sa pagtatabi ng dalawang ito ay inaasahang mabibigyan ng kaukulang pansin ang dalawang mukha ng ating kasaysayan.

Mukha ng pakikihamok

Ang armadong pagsalungat ng mga Lumad sa mga Kastila ay maaaring hatiin sa dalawang panahon. Ang una ay ang pakikibaka sa panahon ng mga Agustinong Recoleto na sumasaklaw sa mga taong 1600-1650, at ang ikalawa ay ang pakikibaka sa panahon ng mga Hesuwita na sumasaklaw sa mga taong 1870-1885.

Ginamit na palatandaang yugto ang panahon ng misyon ng mga Recoleto at Hesuwita sa dahilang ang kanilang mga ulat ang pangunahing pinagkukunan ng datos. Bukod sa mga Lumad, sila rin ang pangunahing tauhan sa kasaysayan ng Silangang Mindanaw.

Unang pagsasagupa, 1609 at 1613

Ayon kay Majul (1973), ang mga taga-Caraga sa Silangang Mindanaw ay kasama sa mga ganting-salakay ng mga Muslim sa mga lugar na nasakop ng mga Kastila sa Silangang Bisaya. Noong 1602-03 ang pag-atakeng pinamunuan nina Datu Buisan ng Magindanaw at Rajah Sirongan ng Buayan na binuo ng 145 na sasakyang dagat ay kinabilangan ng mga taga-Ternate, mga Sangil, mga taga-Tagolanda, Magindanawon, at taga-Basilan. Sa kanilangpag-uwi ay dumaan at nagpista sila sa Caraga. Noong 1608, ang puwersang pinamunuan ni Datu Buisan na binuo ng animnapu’t pitong sasakyan ay kinabilangan ng mga taga-Caraga. Noong 1609, ang grupo ni Datu Pagdalanum na umatake sa Leyte at Samar ay binuo ng mga taga-Magindanaw, Sangil, Ternate, at Caraga. Sa sumada ng mga Kastila, ang mga bihag na nakuha ng mga pananalakay ng mga Muslim at ng kanilang mga kaalyado sa loob ng litnang taon, 1599-1604, ay humigit kumulang sa 800 bawat taon (Majul, 121-122).

Bunsod ng mga pangyayaring ito, nagpasiya ang mga Kastila na magtalaga nggarison sa silangang baybayin ng Mindanaw. Ang de sisyong ito ay nakapaloob sa konteksto ng sagupaan ng mga Muslim at Kastila at pangmalawakang estratehiya ng mga Kastila laban sa mga Muslim.

Sa utos ni Gobernador Heneral Juan de Silva, isang plota na binuo ng 400 Kastila at mga “Indio” ang sumalakay sa Caraga. Nagtagumpay ang mga Kastila at napalaya nila ang 1,500 bihag na Kristiyano sa Tandag na ngayo’y isang munisipalidad sa Surigao del Sur. Kaagad nagtayo ng isang kuta o garison ang mga Kastila sa Tandag.

Noong 1613, naglunsad ng isang malaking pag-aalsa ang mga taga-Caraga na kinabilangan ng 3,000 katao. Pinalibutan at kinubkob nila ang kuta ng mga Kastila. Kundi pa dumating ang saklolo mula sa Maynila, di malayong nalipol ang garison. Muli na namang nagtagumpay ang mga Kastila, nagkaroon ng pag-uusap, at ang mga kasanib ng pag-aalsa ay pinatawad ng mga awtoridad.

Sino ang mga taga-Caraga?

Batay sa mangilan-ngilang detalye na ating nakalap, ang mga taga-Caraga o Caraganes ay mga Mandaya na nakatira sa silangang bahagi ng Mindanaw. Hindi sila Muslim, subalit sila’y nagbabayad noon ng buwis sa mga. Magindanawon na natigil lamang nang dumating ang mga Kastila. Ang kanilang wika ay hawig sa Sebuano.

Pag-aalsa sa silangang baybayin, 1629-1631

Taong 1629 nang magsimula ang rebelyon ng mga taga-Caraga subalit walang detalye sa ulat ng mga prayle tungkol dito maliban sa pagkakaroon ng maramihang pagpatay, pagnanakaw, at pagsusuwail. Sa kanilang pagtalakay sa pinagsimulan ng pag-aalsa, sinabi ng mga prayle na talagang mababagsik ang mga taga-Caraga at mahilig sa pakikidigma.3 Naragdagan pa ang kanilang lakas-loob sa ipinamalas ng mga taga-Jolo na bagama’t nagbabayad ng buwis ay tahasan pa ring nag-alsa laban sa mga Kastila. Ganito rin ang naging epekto ng kahinaang ipinakita ng mga Kastila sa mga pagsalakay na isinagawa ng mga taga-Jolo sa Luzon at Bisaya.

Sa pagsugpo sa rebelyon, naging magaspang ang mga Kastila na pinamunuan ni Kapitan Pedro Bautista sa pakikitungo sa mga mamamayan. Sa isang pagsalakay noong 04 Hulyo 1631, kung saan kasama umano ang sampung pinakamahusay na sundalo at lahat ng mga datu sa baybayin, pati na si Fray Jacinto de Jesus Maria bilang kapelyan (chaplain), labing-anim ang nabihag ng mga Kastila sa Bapangano. Subalit pito sa mga bihag ay pinakawalan ni Dumblag, isa sa mga datu na kasama nila. Nang malaman ng Kastilang Kapitan Bautista ang nangyari, inaresto niya si Dumblag. Nang dalawin si Dumblag ng kanyang kamag-anak na si Valintos na isa ring datu, inireklamo ni Dumblag ang kaapihang kanyang naranasan. Nangako si Valintos na ipaghiganti niya ito.

Inakyat ni Valintos si Kapitan Bautista sa bahay nito at pinatay sa pamamagitan ng saksak. Pagkatapos ay nagpunta siya at ang kanyang mga kasamahan kay Padre Jacinto at pinagsasaksak ang pari ng sibat.6 Isinunod nina Valintos ang mga natirang Kastila. Nagtuloy sila sa Tago kung saan sila ay nagpista. Iniutos ni Mangabo na batingtingin ang kampana tulad ng pagtatawag sa misa. “Dumalo kayo,” wika raw niya, “sa misa ni Padre Mangabo.” Sa simbahan, isang babae, si Maria Campan na iginagalang ay bihis at nangwisik ng tubig sa mga naroroon. “Ako si Padre Jacinto,” wika raw nito. Dumampot naman si Mangabo ng krusipiho, binali ang mga kamay ng imahen at buong paghahamong sinabi: “Lumaban ka, Diyos ng mga Kastila, tingnan ko kung ikaw ay kasing tapang ko.” Pagkatapos ay binunot niya ang kanyang balaraw at tinaga ang imahen sa mukha. Isang mas malaking krusipiho ang kanyang pinagtatadtad ng palakol. Pagkatapos ay kinulimbat nila ang kumbento at simbahan. Pinatay rin nila si Diego Salingat na isang utusan sa kumbento.

Tatlong araw silang nagsaya sa Tago, pagkatapos ay nagtuloy sila sa Tandag. Sa pamumuno ni Mangabo ay kaagad nilang napipilan ang depensa ng Tandag.

Nabiyak ang ulo ni Fray Alonso de San Jose sa isang taga ng kampilan. Si Dacxa, isang datu roon, ang namuno sa pagtatanggol, subalit nalaman sa bandang huli na kasama rin pals siya sa rebelyon. Kasunod na bumulagta si Fray Juan de Santo Tomas. Nilimas at sinunog ng mga rebelde ang kumbento.

Noong 21 Hulyo, sinibat ng mga rebelde si Fray Pedro de San Antonio ng Bacuag na inabutan nila sa pantalan ng isang Don Diego Amian. Kinaladkad ng mga rebelde ang kanyang katawan at ibinalibag sa ilog.

Noong 22 Hulyo, sa Bacuag pa rin, pinatay ng mga rebelde, sa pamumuno ni Zancalan na anak ni Mangabo, ang tatlong Kastila at binihag ang dalawang relihiyoso na sina Padre Lorenzo de San Facundo at Fray (Hermano) Francisco de San Fulgencio. Pinangakuan sila ni Zancalan na dadalhin sila nito ng buhay kay Mangabo sa Tago.

Subalit nang dumating sila sa Tago noong ika-28 ng Hulyo, biglang lumuhod si Mangabo at buong pagmamahal na pinaghahalikan ang mga kamay ng mga pan. Itong si Mangabo ay binansagang “buwaya ng Tago” dahil sa kanyang malahiganteng laki at pabugsu-bugsong timplada (temper.) Ngayon, paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin sa pagkakapatay sa ibang mga prayle at sa mga Kastila. Nangako siyang ipagtatanggol ang mga pari habang siya ay nabubuhay. Bilang patunay, nagsagawa siya noon din ng isang sandugo. Sinugatan niya ng kanyang balaraw ang bandang ibaba ng kanyang tiyan, at pagkatapos ay inatasan ang kanyang anak na si Zancalan na sahurin ang dugo sa isang sisidlan na may alak. Paawit na sumumpa siya sa mga diwata. Ininom niya ang alak na may dugo at ipinatong ang sisidlan sa kanyang ulo at muling umawit. Niyakap niya si Padre Lorenzo at ipinatong ang kanyang tubaw sa ulo nito. Nang hingin ng ibang mga datu ang dalawang pari upang isakripisyo ang alga ito, tumanggi si Mangabo. Ang ibang mapilit ay pinalayas niya.” Ang mga kalis at iba pang gamit sa simbahan na kinuha ng mga rebelde sa Tandag at Bacuag ay isinauli sa mga prayle, ganoon din ang dalawang krusipiho, isa na rito yaong pinutulan ng kamay at nabiyak ang mukha. Ang una na yari sa bronse ay iniregalo ni Padre Lorenzo kay Zancalan. Si Maria Campan na may kinurakot din ay buong pagsisising nagsauli ng kanyang mga kinuha. Sapagkat may sakit ang pari, ipinahatid ito ni Mangabo sa Caraga upang magamot, samantalang si Fray Francisco ay naiwan upang siyang gumarantiya sa grupo sakaling may mga Kastilang dumating. Tinubos siya pagkatapos.”-

Samantala, dumating si Valintos sa Butuan upang patayin si Fray Juan de San Augustin na siyang namamahala sa kumbento ng Linao sa may ulo ng ilog Agusan. May dala rin siyang mga sulat para sa mga datu ng Agusan upang himukin ang mga ito na sumama sa rebelyon sa ngalan ni (Sultan) Kudarat. Sa bandang ilaya ng ilog Agusan, isang babaeng naging Kristiyana na iginagalang at maimpluwensiya ang sumalungat sa nilalaman ng sulat. Sapat na ang kanyang pagsalungat upang tumutol na rin ang iba. Si Fray Juan naman ay kanyang pinasamahan sa Butuan kung saan walang naging epekto ang mga sulat. Nanatiling tapat sa pananampalataya ang mga tao roon. Nagprusisyon pa sila patungo sa kumbento upang ipahayag sa mga prayle ang kanilang katapatan. Ang mga datu at ang kani-kanilang pamilya ay nanatili sa kumbento kasama ng mga pari.

Galit na lumisan si Valintos. Subalit kahit na karamihan ay tutol sa pag-aalsa, may mangilan-ngilan pa ring diskontento tulad ng piskal ng Butuan. Pinatay nito ang kargador ng kumbento at kundi sa maagap na pagsaklolo ng mga datu ay nalagay sana sa panganib ang buhay ng Prior (Padre Superyor) na si Fray Diego de Santa Ana. May mga komunidad ding naakit sa rebelyon tulad ni Marian Galan, datu ng Abucay. Isang Sumulay ang inatasang pumatay sa prayle ngunit ito ay nahuli, at naiulat na namatay. Dahil sa naging magandang halimbawang ito ng mga taga-Butuan, nagkaroon na rin ng lakas-loob ang ibang mga komunidad na manatiling tapat sa pananampalataya.

Samantala mula sa Tandag, pumunta si Fray Jacinto de San Fulgencio sa Cebu upang humingi ng saklolo. Nakapadala naman ang huli ng kaunti, kaya’t naging diplomatiko ang mga Kastila sa umpisa at hindi
kaagad nagpataw. ng mga parusa sa mga nahuhuling rebelde. Kasama si Mangabo sa listahan ng mga dapat parusahan subalit masigasig siyang ipinagtanggol ng mga prayle. Siya’y pinatawad at di naglao’y nagpabinyag, ganoon din ang kanyang mga kamag-anakan. Malaking bagay ang halimbawa ni Mangabo sa pagsugpo sa rebelyon. Siya’y kinagugulatan sa buong silangang baybayin at ang kanyang pagpapabinyag ay sapat daw upang magsitigil ang iba sa pag-aalsa.

Maraming kuwentong kababalaghan ang nagsulputan pagkatapos ng rebelyon. Ang kamay raw ng rebeldeng pumaslang kay Fray Alonso de San Jose ay sinakmal ng isang buwaya, dahilan upang ito’y magsisi sa kanyang mga .pagkakasala at magpabinyag pagkatapos. Ang pumatay kay Fray Pedro de San Antonio ay namatay na nagsisisi pagkatapos niyang sumuko. Ang isang bahagi ng nawasak na krusipiho na ginawang panggatong ay di raw nauubos. Apat na rebeldeng kumain ng kanin na niluto sa krusipiho ay nagsisabog. Isa pang krusipiho ang ipinanggatong ngunit hindi nasunog. Si Datu Salimbong ng Bacuag na balita sa dunong at pang-unawa ay nagprisintang maging Kristiyano, kasama ang isandaan nitong mga tauhan. Tulad ng kaso ni Mangabo, ang halimbawa ng datung ito ay nakatulong nang malalki sa pagbabalik ng kapayapaan.

Ang mga Kastila ay hindi lamang umasa sa tulong ng Maykapal. Upang makasiguro na mananatili ang kapayapaan, nagtayo sila ng matitibay na kuta o garison. Naniniwala sila na malaki rin ang magagawa ng takot ng mga tao sa mga sundalo at mga parusa kung sakaling magbago ang kanilang issip.

Malaki ang paniniwala ng mga prayle na ang kalat at malawak na rebelyon ay n.agpapatunay na nais ng mga taga-Caraga na paalisin ang mga Kastila, patayin ang mga misyonero, at wasakin ang mga kumbento. Ang lahat daw ay dahil sa pagkapoot nila sa banal na pananampalataya.

Paghihimagsik sa Agusan, 1649-1651

Nagdulot ngmalaking sindak at takot ang paulit-ulit na pagsalakay ng mga Olandes sa kapuluan noong panahon ng digmaan ng mga Olandes at mga Kastila. Dumanas ng katakut-takot na hirap ang mga Pilipino na sapilitang kinatulong ng mga Kastila upang hindi masakop ng mga Olandes ang Pilipinas. Ang paggawa ng mga galyon na kakailanganin sa digmaan ay napaatang sa balikat ng mga Kabitenyo at Pampango. Upang maibsan ang hirap ng mga ito, nag-utos ang Gobernador noong 1648 na ang iba’t ibang probinsya ay dapat magpadala ng kaukulang bilang ng trabahante sa pagawaan ng sasakyang-dagat sa Kabite. Dahil dito, pumutok ang rebelyon ni Sumuroy sa Palapag sa Samar na kumalat na parang apoy hindi lamang sa Kabisayaan kundi pati na rin sa Bikol at sa Silangan at Hilagang Mindanaw.

Sa kabilang dako, ang mga Olandes ay hindi nagkasiya lamang sa pakikidigma sa mga Kastila. Sinikap din nilang makipagkaibigan sa mga Moro sa Sultanato ng Sulu at Magindanaw. Nagkaroon ng mga pagkakasundo na ituring nilang kaaway na komon ang mga Kastila bagama’t hindi ito nagkaroon ng konkretong bunga. Nakipag-usap din ang mga Olandes sa mga datu sa probinsya ng Caraga na sumasakop sa Surigao, Agusan, at hilagang parte ng ngayo’y Davao Oriental. Isa sa mga ito si Dabao, ang Manobong nangulo sa rebelyon sa Linao, Bunawan, Agusan.

Si Dabao ay balita sa lakas at kilala sa katusuhan. Dahil sa di mabilang na pagpatay, madalas siyang tinutugis ng mga sundalo. Upang makaiwas sa pagkahuli, siya’y nagpabinyag. Sinabi niya kay Fray Agustin de Santa Maria, ang pari ng Linao sa ilaya ng ilog Agusan, na dapat siyang ipagtanggol ng pari sapagkat tulay siya sa marami pang kumbersyon. Madalas siyang binibisita ng pafi, binibigyan ng regalo, at di naglaon ay napapayag siyang makipag-usap sa mga Kastila. Ipinagkatiwala pa ni Dabao sa pari ang edukasyon ng kanyang anak.

Lingid sa pari ay may sariling adyenda si Dabao. Kung gabi ay iniisa-isa niyang bisitahin ang mga Kristiyanong datu. Matiyaga niyang tinatalakay ang malupit na dekreto sa pagpapadala ng mga trabahante sa Kabite, ang kalayaang iniaalok ng mga Olandes, at ang malayang pananampalataya na nakaugalian nila. Madali diumanong naakit ang mga ito. Nagkasundo sila sa araw ng pagpatay sa mga Kastila at sa pari.

Ang hudyat ng kanilang pag-aalsa ay kapag ang Padre Probinsyal ay magpapadala ng kapalit sa halip na siya mismo ang bumisita sa misyon. Ito’y nangangahulugan na dumating na ang mga Olandes at sumasalakay sa baybayin. Kaya’t nang makarating sa kanila ang balita na ang Padre Probinsyal na si Fray Bernardo de San Laurencio ay hindi lumabas at sa halip ay ibang pari ang ipinadala, kaagad silang kumilos upang gisingin ang iba’t ibang mga komunidad. Ngunit nang dumating ang kapalit ng Padre Probinsyal na si Fray Juan de San Antonio sa Butuan, hindi ito tumuloy sa Linao at sa halip ay pumunta sa Cagayan. Bagsak ang piano ni Dabao.

Noong panahon ding yaon, may mga rebeldeng Manobo na nanggugulo at nangungumpiska ng mga palay at mais sa mga ayaw sumama sa rebelyon. Nag-alok si Dabao sa mga awtoridad na siya na mismo ang tutugis at huhuli sa mga nanggugulong ito. Pumili siya ng walong taong.maskulado at maganda ang pangangatawan mula sa kanyang mga sakop. Iginapos niya ang mga kamay nito sa paraang madali nilang makalagan ang kanilang sarili. May nakatago silang mga armas. Pumasok sila sa kuta ng Linao kung saan si Fray Agustin de Santa Maria ay naghihintay. Nang magkaroon sila ng pagkakataon, kaagad nilang nakalagan ang kanilang sarili at noon din ay sumalakay. Biyak kaagad ang ulo ng kapitan sa isang taga lamang ni Dabao. May mga rebelde pa sa labas na nakapasok din sa kuta. Halos malipol ang buong puwersa ng mga Kastila. Ang natira ay apat na sundalong Kastila, isang kabo, at isang pari, na tumalon sa bintana. Mula sa kuta ay nagtungo sila sa kumbento subalit ito’y nasusunog na, gayundin ang simbahan. Nagbalik sila sa kuta na puro sugatan. Hindi alam kung ano ang nangyari, ngunit napatakbo nila ang mga rebelde. Patay si Fray Agustin. Ika-16 ng Mayo, 1651 nang maganap ang labanan.

Dahil wala nang masilungan at wala na ring makain, gumawa sila ng isang balsang kawayan at nagpatianod sa ilog Agusan. Hinabol sila ng mga rebelde. Nagtago sila sa komunidad ng Hoot at tinulungan naman sila ng datu rito, isang nagngangalang Palan. Inihatid sila sa Butuan at dumating doon dalawampung araw makalipas ang labanan sa Linao.

Humingi kaagad ng sakiolo mula sa Tandag ang Padre Prior ng Butuan. Nang dumating ang saklolo sa Butuan, kaagad silang nagpabandilyo na pinatatawad na ang mga sumapi sa rebelyon, subalit binalaan ang mga magpapatuloy na wala silang mahihita kundi ang hapis ng digmaan. Marami ang sumuko ngunit sila’y pinagbibitay; ang iba’y ginawang alipin. Napuno umano ng mga alipin ang Maynila at mga karatig pook. Ang mga datu ng Butuan na dati’y sukatan ng katapatan, ayon sa mga prayle, ngayon ay dumanas ng bilangguan o kaya’y pagkatapon. Kung may nakabawi man sa kanilang nawalang dangal, naglaho naman ang kanilang ari-arian. May isang napreso ng dalawang taon subalit kinumpiska pa rin ang kanyang ari-arian. Mayroon namang pinahirapan ng katakut-takot at pinugutan pa rin ng ulo. Mayroon naging saksakan ng dukha. Hindi na lingid sa Gobernador ang maraming pang-aabuso sa parte ng mga awtoridad. Binigyan niya ng kalayaan ang mga aliping Manobo, subalit kailangan pa ring dumaan sa isang. proseso. Ang problema ay wala §ilang mapakiusapan na lumakad ng kanilang kaso. Nahihiya silang lumapit sa mga Recoleto dahil pinatay nila ang isa sa mga ito.

Si Padre Fray Agustin de San Pedro na kilala sa bansag na Padre Capitan dahil sa kanyang matagumpay na pagdepensa sa mga taga-Cagayan laban sa mga Moro na sakop ni Sultan Kudarat ang siyang sumalo sa problema. Gumawa siya ng listahan ng mga alipin sa buong Maynila at kanugnog pook, kasali ang pangalan at apelyido- ng bawat isa, pad na ang dating tirahan nila. Isinali na rin sa listahan pad na yaong naging alipin nang hindi dumaan sa proseso-sibil. Pinaaptobahan niya ang listhan sa Gobernador at ito naman ay nagpalabas ng kautusan na palayain ang lahat ng nasa listahan. Isa-isa silang kinulia ng mga Recoleto, inalagaan sila ng mga ito habang nasa. Maynila, at inihatid sa kanilang Bagama’t. nahirapan ang mga alipin na ‘unawain ang kabutihang ito ng mga Recoleto, nagkaroon naman ito ng inalalim na epekto sa kanila at tuloy naging mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan sa daratink na mga taon.”

Nakapagtataka na biglang naglaho sa ulat ang pangalan ni, Dabao. Hindi rin malinaw kung ano ang dahilan at maraming mga datu sa Butuan ang nadawit sa rebelyon.

Nakarating sa silangangbaybayin ang dekretotungkol sa pagriapadala ng mga trabahante sa Kabite, subalit. hind ito naging isyu sa mga tao sapagkat itinago ito at hindi ipinaalam sa kanila ng mga awtoridad. Tulad noong 1629-31, ang kaguluhan sa Agusan ay naramdaman din sa Cagayan at Camiguin, gayundin sa Zamboanga. Subalit ang mga ito ay maliliit lamang.

Huling sigwa sa silangang baybayin, 1877-1885

Pinatalsik ang mga Hesuwita sa Pilipinas noong 1767. Nang sila’y bumalik noong 1859, iniatang ng Hari sa kanila anggawain ng simbahang Katoliko sa buong Mindanaw. Pinalitan nila ang mga Recoleto sa silangang baybayin ng Mindanaw noong 1871. Si Padre Pablo Pastells ang tumatayong superyor ng misyon sa boob ng labing-isang taon mula 1875 hanggang 1886. Ang kanyang mga sulat para sa Padre Probinsyal ang pangunahing pagkukunan ng mga datos.

Pangunahing programa ng kanyang panunungkulan ang pagtatatag ng mga bayan o pueblo. Ang kanyang estratehiya ay ang sumusunod: (a) Ang pagpili ng pinakamagandang lugar para sa bayan; (b) Ang pagdidisenyo ng mga kalye at paglalagyan ng plasa, simbahan, tribunal, eskuwelahan, at mga residensya, at (k) Ang paghimok sa mga Lumad na manirahan sa bayan sa tulong ng kanilang mga lider.

Noong Enero 1877 sinimulan ang pagtatatag ng San Manuel sa Baysan, San Victor sa Dapnan, San Juan sa Cabuyauan, at San Nicolas sa Mangongong. Nang sumunod na buwan ay labinlimang bayan pa ang itinatatag. Pinlano rin niyang magtayo ng tatlong bayan ng mga Muslim sa look ng Mayo, at iba pang mga pueblo sa kahabaan ng baybayin mula Manat hanggang San Agustin.

Binanggit ni Pastells ang maraming suliranin bago malubos ang pagpapalipat sa mga tao. Sila’y kalat-kalat; napakarami nilang pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at mga gamit sa trabaho at tumututol daw sila na lumipat sa mga bayan; likas daw silang tamad at masyado silang nagigiliw sa gubat. Subalit, higit sa lahat, wika ni Pastells, kabado sila dahil sa pananakot ng mga bagani. Sa San Manuel, dalawampung bandido ang sumubok na pigilin ang proyekto.

Ang mga bagani ay pinanguluhan nina Bilto at Macusang, mga Mandaya, na itinuturing ni Pastells na tulisan at mamamatay-tao. Unang sumulpot ang kanilang mga pangalan noong Marso 1877 at huling binanggit noong Nobyembre 1883. Pinakamalakas ang impluwensiya nila sa mga bayan ng Nuestra Senora de Cannel, San Manuel, San Nicolas, Santo Domingo, at San Agustin na mga pamayanang Mandaya. Nang panahong yaon, sampu o higit na ang napatay sa Caraga at Cateel. Kasali dito si Gambong at dalawa pang Mandaya; samantalang ang mga kasamahan nito ay binihag. Sila ang umatake sa mga Muslim at Kristiyano sa Mati noong nagdaang taon. Ayon sa mga ulat, balak ni Bilto at Macusang na patayin na rin patina ang mga Kristiyano. Dahil sa kanilang panunulsol, dalawang komunidad na ang nagrebelde at 180 pamilya ang matigas na tumutol na magbuo ng isang bayan. Tinatantiya na may dalawampung mamamatay-tao sa Cateel, at labinlima sa Mayo. Pinaligiran nila ng trintsera ang komunidad nina Capitanes Ubsub at Puay.

Isa pang mabigat na dahilan sa pagtutol nga mga tao sa pagtatayo ng mga pueblo ay ang kanilang paniniwala sa diwata (anito) at iba pa. Sa Bungadon, may isang anim na taong matabang bata na may kakaibang mukha. Magaling siyang tumugtog ng gimbao, isang bombo ng mga Mandaya. Malaki ang sapantaha ni Pastells na tinuruan ito ng mga baylan sapagkat sinasabi niya sa mga tao na siya ay Diyos. Inutusan niya ang mga Mandaya na huwag magtatag ng mga bayan sa Carmelo at San Luis at huwag ipadala ang kanilang mga anak sa eskwelahan na itinayo ng pari. Sa halip, dapat silang sumamba sa mga diwata. Dahil dito ay walang dumadalo sa mga miting at ipinasabi na kung may darating na mga sundalo, pagkaalis ng mga ito ay sila mismo ang bababa at kanilang wawasakin ang Carmelo, San Luis, at Manurigao.

Ikinuwento rin ni Padre Pastells ang propaganda ng mga bagani. May sumulpot diumanong isang matandang babae mula sa langit. Iniutos nito sa mga tao na magbalik sa gubat matapos nilang wasakin ang kanilang mga tanim at patayin ang kanilang mga alagang hayop, sapagkat sa gubat daw ay mabubuhay sila sa boob ng isang taon ng walang kain-kain, at pagkatapos ay katawan at kaluluwa silang aakyat sa langit. Kapag hindi nila iniwan ang mga bayan, may barko raw sa Davao at Surigao na puno rig sundalo at pagpuputulin ang kanilang mga ulo, dadalhin ang kanilang mga anak sa Maynila, at ipamimigay bilang bihag sa Sultan rig Jolo. Dahil sa mga kasinungalingang ito, karamihan sa mga tao ay nagsibalik na sa gubat.

Ayon kay Pastells lahat daw ng mga Mandaya sa dakong Baganga ay naninirahan sa mga bayan dahil sa takot kina Bilto, Macusang, Tavit, at tatlumpung iba pang bagani. Walang nagkalakas-loob na manirahan sa ilaya o interyor. Di na raw mabilang ang mga biktima rig saksak ng balaraw at sibat. Kung ano ang dami ng nangamatay ay ganoon din daw ang nakidnap. Ang pinakahuling pangyayari ay ang pagkakapatay sa isang labinlimang taong gulang na bata sa dahilang siya ay Kristiyano.

Bilang panghalina sa mga Mandaya at iba pang mga pagano sa buong kapuluan, inimungkahi ni Padre Pastells sa kanyang sulat na gawing palisiya ng gobyerno na ang mga bagong sakop na mga pagano ay maging libre sa pagbabayad ng buwis, sa pagbibigay ng serbisyo personal at sa panglima (o ikalima = fifths). Ang batas na ito ay dapat ibandilyo ng mga misyonero at ipaliwanag sa mga bagong sakop upang maiwasan ang nangyari sa Samar.

Subalit patuloy na nananalasa sina Bilto at Macusang. Ang sentro ng gulo ay sa Caraga at Cateel, lalo na sa interyor. May mga ulat si Pastells hinggil sa maramihang pagpatay at panununog ng bahay. Maging bata’t babae ay hindi pinapatawad. Sa kanilang pamamaslang, may mga ina raw na natagpuang abo na at yakap pa rin ang kanilang sanggol. May isa naman na pinagpuputul-putol sa apat na bahagi. Mayroon ding binibiyak ang tiyan, nilalabnot ang mga bituka at kung minsan ay kinakain. 0 kaya, ang puso at atay ay iniaalay sa mga diwata. Maraming mga palayan ang basta na lamang iniwan ng mga tao ay tinatayang hindi kukulangin sa lima o anim na libong kaban ng palay ang mawawala.

Sa tulong ng isang Don Manuel Menendez na taga-Caraga ay nakabuo ang mga Kastila ng mga 150 boluntaryo na may dalang labing-apat na baril at isang rebolber mula sa Baganga, Batiano, at Baysan. Ito ang ekspedisyon na tumugis sa grupo nina Bilto at Macusang na binubuo raw ng mula 200 hanggang 300 katao na nagkukuta sa bandang ilaya ng Cateel at Baganga, sa malapit sa bahay ni Tilot, ang tiyuhin nina Bilto at Macusang. Nandoon din si Mangislang, kasama ang kanyang mga sakop.

Nang lumisan ang ekspedisyon, tila lalo lamang naging masigasig ang mga rebelde. Pinaghati-hati nila ang kanilang mga tao upang mang-espiya sa mga bayan, tinitingnan kung may mga sundalo pa. At lantaran nila itong ginagawa. Sa Dapnan, apat na espiya ang sumulpot at nahuli. Napag-alaman sa imbestigasyon na kasamahan sila nina Bilto at Macusang at naatasang magtungo sa Bislig. Ang unang pasabi ng mga ito sa mga taga-Dapnan:

“Magsipaghanda kayo sapagkat ang ilog ay aapaw sa dugo mula sa ilaya hanggang sa bukana at walang kikilalaning Mandaya o Kristiyano man. May mga 200 Mandaya ngayong nagkakaisa, sina Tilot at ang kanyang mga sakop, at siyang didigma sa inyo.”

Nakuha rin mula sa apat na bihag ang impormasyon tungkol sa binabalak nina Bilto at Macusang. Nais ng mga bagani na patayin ang lahat ng taong may arenas (baril) sa Baganga, una na rito ang mga Kastila. Pagkatapos nito madali na raw ang iba, kasali na ang pag-ambush sa pari (si Padre Pastells na siyang nag-utos na arestuhin ang apat), pagpugot sa ulo nito at pagpapatuyo para maipreserba. Batay sa balak na ito, tinatantiya ni Padre Pastells na madali na ang pagwasak sa mga bagong bayang itinatag pati na rin ang mga Kristiyanong bayan tulad ng Batiano, Baysan, Baganga, Quinablangan, at Cateel.

Sinulong ng ekspedisyon ang pinagkukutaan ng mga rebelde, subalit ang tangi nilang naiulat ay ang pagkasunog ng labing-isang bahay at ang pagkawasak ng mga saka. Samantala, sumalakay ang pitumpong mga bagani at mga sakop nito sa Batiano at Baysan. Patay ang gobernadorcillo at anini na iba pa. Ang buong San Manuel ay naging abo, kabilang na ang simbahan at tribunal.

Sa sulat ni Pastells na may petsang 12 Enero 1878, binanggit doon na sumalakay sina Bilto at Macusang sa isang komunidad sa Agusan mga tatlong taon na ang nakakaraan, sinunog lahat ang mga bahay, pinatay ang mga matatandang lalaki na nakaligtas sa apoy, at binihag ang mga bata at babae. Sa boob ng dalawang taon, 120 ang kabuuang bilang ng kanilang biktima, patay at inalipin. Noong 1877, limampu ang pinaslang sa ilaya ng Cateel at Baganga, labing-isa sa mga ito ay Kristiyano. Nabanggit pa rin doon ang balak nina Bilto at Macusang na gawing tapa ang laman ni Padre Pastells.35 Nasa sulat din ang balita na ang buntis na asawa ni Bilto ay pinatay ng kanya mismong kapatid na si Ayaon na nagsilbing giya sa mga ekspedisyon. Samantala, ang Surigao ay nagpadala ng dalawang detatsment ng mga sundalo at ilang riple na itinalaga sa Cateel at Baganga. Sa parte naman ng gawain ng simbahan, 900 ang mga Mandaya na bininyagan mula noong Marso 1877 hanggang Disyembre sa parokya ng Bislig, at labing-apat ang mga bagong maliliit na bayang itinatag.

Sa di maipaliwanag na mga pangyayari, ang pag-aalsa nina Bilto at Macusang ay tila bagyong humupa, unti-unting naglaho sa ulat ni Padre Pastells. Napag-alaman nating si Bilto ay sinaksak ng balaraw ni Juanay. Si Macusang ang pumalit sa puwesto ng kanyang pinsan; pumatay siya ng apat na kamag-anak ni Juanay bilang paghihiganti at naggantihan sila noong sumunod na limang buwan. Si Juanay ay namatay sa natural na dahilan. Nagkausap sina Pastells at Macusang, isinuko ng hull ang kanyang kalasag at balaraw at nangako na ititigil na niya ang lahat kung patatawarin siya ng gobyerno. Subalit walang dumating na patawad kaya’t nagpatuloy naman si Macusang sa dating gawi. Ang kaibahan lang noong taong yaon sa iba, ani Pastells, ay ang bilang ng paglalamayan. Lalabindalawa lamang sa 1880: Si Bilto, apat na kasamahan ni Macusang, tatlong Manobo na naninirahan sa Casauman, Agusan, dalawang Manguangas sa Cateel at dalawang Mandaya na nagkamatayan dahil sa isang babae.

Sa sulat ni Pastells noong 18 Disyembre 1882, iniulat niya ang pagtugis ng isang armadong ekspedisyon sa dalawang magkaibang grupo: Ang kay Malpando sa bundok ng Manlubuan dahil sa isang pamamaslang sa Santa Fe, at ang kay Macusang sa ilaya o kaparangan ng San Victor. Si Macusang ay inaakusahan ng pagpaslang sa ilang mga Kristiyano sa ilaya ng San Victor. Pinakialaman niya ang kaso sapagkat may tatlong taon na ang nakalilipas nang mangako si Macusang sa kanya sa Manurigao na wala siyang layuning makidigma sa mga Kristiyano. Hindi pala alam ni Macusang na Kristiyano ang kanyang biktima. Nalaman lamang niya ito nang bibihagin na niya ang mga babae at napansin niya ang mga medalyon ng mga ito sa leeg, dahilan para kaagad niyang pakawalan ang mga ito.

Ang huling ulat tungkol kay Macusang ay nilalaman ng sulat na may petsang 06 Nobyembre 1883. Sinasabing pinanguluhan ni Macusang ang isang grupo ng mga Mandaya na pumatay kay Andres Bantayan, isang Kristiyanong taga-San Luis. Ito’y nangyari habang naghahanda sila sa pag-ambush kay Aguiadan, kasamahan ni Juanay nang paslangin si Bilto sa Manlubuan.” Ang naiwang tensyon sa hanay ng mga tao ay ang pagkakaalam na ang binansagang mamamatay-tao ay di pa nahuhuli o nabibigyan ng kaukulang kaparusahan.

Unang paghaharap sa Butuan: Butuanon at Hesuwita, 1596-1597

Nobyembre 1596 nang dumating ang Hesuwitang sina Padre Valerio de Ledesma at Padre Manuel Martinez sa Butuan. Bago natapos ang dalawang taon ay inilipat sila sa Kabisayaan. Sa loob ng maikling panahon na itinigil nila sa Butuan, may mga nagawa sila na di kapani-paniwala subalit nangyari, ayon sa ulat ni Padre Chirino.

Tuwing Linggo, ang dalawang pari ay nagsasagawa ng pagtitipon na dinadaluhan ng maraming tao. Minsan, sa kalagitnaan ng sermon ni Padre Martinez bigla na lamang lumuhod si Elian at nakiusap na siya’y binyagan. Si Elian ay kinikilala at kinagugulatan sa buong teritoryo. Nang hinagkan n’ya ang mga paa ng krusipiho, sumunod sa kanya si Osol at ang iba pa. Nagpahayag si Elian na lahat ng taong kanyang pinagkakautangan ay kanyang babayaran. Pagkatapos nito, hiniwalayan ni Elian ang kanyang mga asawa at ipinagsasauli ang dote ng bawat isa. Pinag-aralan din niya ang mga dasal at ang katesismo upang mabinyagan siya sa lalong madaling panahon. Ang ginawang ito ni Elian ay malaking tulong sa paghimok sa iba na magpabinyag na rin. Nalaman ng mga pari na ang doktrina ay inaawit ng mga tao sa buong bayan, sa mga bahay, sa pagtatrabaho, sa pagsasagwan, at sa paglalakad. Ang mga kabataan ang pangunahing tagakanta.

Kung Linggo raw at mga pista laging puno ang simbahan, kasali ang mga pa-binyagan na kusang dinadala ang kanilang mga anak upang mabinyagan. Ang mga maysakit naman ay dinadala na rin para mabinyagan bago mamatay. May isang malubhang maysakit na nakiusap na siya’y binyagan. Hindi na ito makapagsalita at halos wala ng malay nang dumating ang pari. Pinabigkas ito ng salitang “Hesus,” at matapos sumagot sa mga tanong tungkol sa doktrina ay bininyagan. Pinaniniwalaang gumaling ito dahil sa pagsambit sa pangalan ni Hesus at sa bautismo.

Isang bata na inaantay na lang diumano ang pagpanaw ay pinadalhan ng Agnus Dei ng pari na may kasamang benditadong tubig. Kaagad na gumaling ang bata.

Isang di binyagan na nagkaroon ng malubhang sugat sa pagkasungkal ng baboyramo ay gumaling din matapos bigkasin ang “Hesus, kaawaan mo po ako!” Sinagot daw ng Diyos ang kanyang dalangin at noon din ay naghilom ang kanyang sugat. Nagtungo siya sa pari at humingi ng binyag.

Hindi kataka-taka na naging mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa binyag. Mabuti sa kaluluwa, maganda rin sa katawan.

Ang huling kuwento mula sa dalawang Hesuwitang ito ay may kinalaman naman sa kidlat. Isang di binyagan daw ang takot na takot dahil sa dami ng kidlat at dagundong ng kulog. Dahil sa paulit-ulit na pagsambit niya at kanyang mga kasambahay ng pangalan ni Hesus samantalang nakapaligid sila sa isang krus, hindi sila tinamaan ng isang pagkalakas-lakas na kidlat na tumupok sa isang puno ng bungangkahoy sa tabing bahay. Kay laki ng kanilang pasasalamat sa Diyos na tumulong sa kanila bunga ng kanilang pagsambit sa pangalan nito at sa paniniwala nila sa krus.

Ang mga Agustinong Recoleto

Dumating ang mga Agustinong Recoleto noong unang mga taon ng 1600 sa Caraga. Matatandaang naganap ang mga armadong pakikihamok laban sa mga Kastila noong 1609 at 1613 kung saan natalo ang mga taga-Caraga.

Ang unang kuwento ng tagumpay ng mga Agustinong Recoleto ay ang kumbersyon ni Datu Inuc sa Tandag. Si Inuc ay kilabot hindi lamang sa Tandag kundi sa mga karatig pook din. Siya ang pinapanginoon sa Tandag at may bukana pa ng isang ilog na ipinangalan sa kanya. Wala siyang patawad sa pagpatay, sa pagnanakaw, at sa pang-aalipin. Mahigit 2,000 ang kanyang mga alipin. Hindi mabilang ang kanyang mga napatay. Matindi ang kanyang poot sa mga Kastila at dahilan ito upang hindi siya pumayag sa anumang kasunduang pangkomersyo o pangkapayapaan. Siya ang pinag-ambisyonan ni Padre Fray Juan de la Madre de Dios, isa sa mga Recoleto na naitalaga sa Caraga.

Ayon sa kuwento, pinag-isipang maigi ng pari kung papaano niya maaakit ang data sa pamamagitan lamang ng kanyang sariling sikap at sa tulong ng Panginoon. Nag-ayuno siya at nagdasal bago pumuntang mag-isa sa teritoryo ni Inuc na nagulat nang makarating ang pari sa kanyang harapan nang hindi man lang nagpaalam at buong galang na nakipag-usap sa kanya. Pinatawad ni Inuc ang pari sa pagkawalang-galang nito na sa pangkaraniwan ay itinuturing niyang insulto sa kanyang pagkatao. A no ang ibinunga ng unang pagkikitang ito? Pumayag si Inuc na magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa mga Kastila sa Tandag; pumayag siyang magkaroon ng komunikasyon at pakikipagkalakalan sa mga ito, at pinayagan niya ang pari na maglabas-masok sa kanyang teritoryo at magpakalat ng doktrina sa kanyang mga sakop. Di naglaon, pagkatapos niyang tumanggap ng instruksyon, siya ay bininyagan. Bilang pagbibigay halimbawa sa kanyang mga sakop, pinauwi niyang lahat ang kanyang mga asawa at nagtira lamang siya ng isa na kanyang pinakasalan ayon sa batas ng simbahan. Binigyan niya ng kalayaan ang kanyang mahigit 2,000 alipin. Pagkatapos ay nagpabandilyo siya na babayaran niya ang lahat niyang pinagkakautangan. Ginawa niya ito sa tulong ng pari at ng kumandante ng garison na tumayo bilang tagapamagitan. Kumalat ang balita ng kanyang kumbersyon at bunga nito ay maraming iba pa ang nagsisunod sa kanyang halimbawa.

Ang kuwentong ito ay sinundan pa ng isa sa Ambagan, malapit sa Tandag. Kaugnay ito sa isang pari na nailigtas mula sa tangkang pagpatay sa kanya habang siya’y natutulog. Nang pumasok ang isang indio sa boob ng kubo, sinita umano ito ng isang matanda na nagwika sa kanyang linggwahe ng ganito: “Saan ka pupunta? Hindi mo ba nakikita na binabantayan ko ang aking anak na natutulog?” Iniamba pa umano ng matanda ang bastong ginto nito laban sa lalaki na inabutan ng umaga doon. Buong sising ikinuwento ng lalaki sa pari ang nangyari. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang matanda ay si San Agustin na nandoon upang ipagtanggol ang kanyang anak at ang mga kasamahan nito.

Sa Linao naman, sa interyor ng ilog Agusan, nagtagumpay si Fray Jacinto de San Fulgencio laban sa diwata na pinaniniwalaan ng mga tao. Sa isang bahay na kinalagyan ng diwata, biglang sinunggaban ng pari ang imahen ng isang diwata. Nasindak ang mga datu. Inaasahan nila na anumang sandali ay patsy na babagsak ang pari. Viala anilang gumalaw sa diwata na nabuhay. Subalit walang nangyari. Ulnalis ang pari na dala ang diwata. Kinabukasa’y nagpunta ang mga tao sa pari, dala ang maraming ginto upang tubusin ang kanilang diwata. Ngunit hindi sila pinagbigyan ng pari. Sa halip ay nagbalik ito sa Butuan. Humabol ang mga tao doon at ipinagsabi na walang halaga ang kanilang diwata at handa na sila upang tumanggap sa totoong Diyos. Laking tuwa naman ni Fray Jacinto.

Kumalat din sa Linao ang kuwento na magmula nang manirahan doon ang mga pari, wala na ang mga buwayang nanggugulo. Utang daw nila ito sa krus na itinayo doon at sa banal na doktrina. Nagkasunud-sunod ang mga kumbersyon. Kumalat din ang balita hinggil sa isang babaeng bagong binyag na namatay at nabuhay nang ito’y pinabenditahan. Ikinuwento ng babae na pinahintulutan siya ng Diyos na magbalik sapagkat may kasalanan siyang nakaligtaan sa kanyang kumpisal. Muli siyang nangumpisal at pagkatapos na pagkatapos niyang mabigyarr ng absolusyon ng pari ay muli na naman siyang namatay! Naging dagdag pang-akit sa iba ang mga pangyayaring ito.

Hindi magiging kumpleto ang iniisa-isang mga halimbawa ng pagtanggap kung hindi isasali ang buhay ng dalawang bantog na beata ng Butuan, si Clara at si Isabel. Si Clara ay maganda at mayaman, at dati raw namumuhay na Subalit magmula nang siya ay mabinyagan noong 1623, siya’y naging buhay na modelong Kristiyano. Nang mamatay ang kanyang asawa, nakiusap siya sa pari na gawin siyang beata. Naghahampas siya ng kadena sa kanyang sarili araw-araw at hindi siya pumapalya sa pag-aayuno. Nagkakasiya na lamang siya sa gulay. Bukod sa pagdarasal, nag-aalaga siya ng mga maysakit, nagpapalakas ng boob ng mga naghihingalo at tinutulungan ang mga ito na mapalapit sa Diyos. Malaki ang kanyang naitulong sa pagiging Kristiyano ng Butuan. Namatay siya noong 1639.

Si Isabel ay naging beata rin nang mamatay ang kanyang asawa. Malaki ang kanyang naitulong sa gawain ng simbahan sa Butuan sa pamamagitan ng edukasyon. Nagtatag siya ng isang eskwelahan pari sa mga babae kung saan malalimang tinatalakay ang doktrina Kristiyana. Madalas siyang ipadala ng mga pari sa mga komunidad upang turuan ang mga tao roon. Inaatasan din siyang magbigay ng instruksyon sa mga kalye kung saan madali siyang pagkalipumpunan ng mga tao daliil nga sa husay niya sa pagpapaliwanag. Ang ayaw makisali sa usapan sa kalye ay pinupuntahan niya sa kanilang tahanan at doon ay malumanay na pinagpapaliwanagan. Naging administrador siya sa itinayong ospital ang mga prayle. Yumao siya noong 1646.

Panahon ng mga Hesuwita, 1873-1898

Sa panahong ito, dalawang hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap sa San Luis, sa hilaga ng ngayo’y Davao Oriental. Ang una ay ang paglakad ng dalawang pilay matapos mabinyagan. Subalit wala ng karagdagang detalye hinggil dito. Ang pangalawa ay ang pagkabuhay ng isang patay. Ang babae sa istorya ay binihisan na at iniwan sandali sa tribunal; ang mga tao ay nagtuloy sa simbahan upang siya’y ipagdasal. Nang ibinalita na ang patay ay nabuhay, bumalik ang mga tao sa tribunal at nakita nila ang babae na nakaupo. Nang siya’y lumisan, ayon sa babae, nakita niya ang sarili na nakaharap sa isang kalsada na puno ng naglalagablab na apoy. Sa gitna nito ay may mga nakakakilabot na mga nilalang. Sa bandang itaas ay may ulap na nagniningning at sa ibabaw nito ay nandoon ang kanyang kapatid na nagniningning din sa kaputian. Tulad niya ang kanyang kapatid ay bininyagan din sa sandali ng kamatayan. Pinagsabihan siya nito na huwag magpatuloy. Sa halip ay dapat siyang bumalik sa lupa; sa sumunod na araw ay makikita niya si Kristo at hindi na siya mahihirapan sa daan. Hinarap ng babae ang mga di binyagan doon at nagsabi: “Magpabinyag kayo. Hiwalayan ninyo ang inyong mga diwata, at sumampalataya sa tunay na Diyos. Sumamba lamang kay Kristo. Gagantimpalaan niya ang mabubuti at parurusahan ang masasama.” Humingi siya ng krusipiho at hindi na niya ito binitiwan hanggang sa mamatay siya nang sumunod na araw tulad ng tinuran ng kanyang kapatid.

Bunga ng pagtanggap

Kung susundan natin ang lohika ng mga misyonero, naging masagana ang kanilang ani dahil sa. pinagsamang pagsisikap ng mga misyonero, ng grasya ng Diyos, at ng bukal sa loob na pagtanggap ng mga tao sa doktrina Kristiyana. Kapansin-pansin nga naman ang di pangkaraniwang bilis ng kumbersyon. Kung titingnan natin sa estadistika na kanilang ibinigay, magkakaroon tayo ng ideya kung gaano ito kabilis.

Noong 1596-97, ang misyon nina Padre Ledesma at Padre Martinez ay nagbunga ng 800 binyagan. Noong 1650, pagkatapos ng dalawampu’t walong taong pagsisikap, may maipagmamalaki ng 11,400 na binyagan ang mga Recoleto sa silangang baybayin, mula sa Surigao hanggang sa Baganga, at saka sa Butuan at Linao. Medyo nakakalito pa nga ang ulat sapagkat sa Siargao, Yaquet (Higaquit o Gigaquit) at sa mga kalapit-isla nito at sa Bislig, ang bilang na 3,600 ay tumutukoy sa pamilya at hindi sa indibidwal.

Pansamantalang wakas

Hindi natin maaaring bigyan ng salitang tapos ang pag-aaral na ito. Maraming bagay ang wika nga ay bitin. Sinikap nating masagot ang tanong kung papaanong tayong tagarito at siyang nakararami ay nasupil ng mga Kastila.

Kumbaga sa installment plan, nakapagbigay na tayo ng paunang bayad. Nakapagsagawa na tayo ng panimulang hakbang. Isinalaysay natin ang pakikihamok ng mga tao sa teritoryo ng Agusan-Surigao-Davao Oriental sa isang panig. Sa kabilang panig naman ay binigyang-liwanag natin kung papaanong tinanggap ng mga tao ang mga dayuhan at ang kanilang relihiyon nang hindi gumagamit ng armas.

Sa pagtatabi ng dalawang mukhang ito ng kasaysayan ay magkakaroon kaagad tayo ng panimulang bistang panloob. View from within kung sa Ingles pa. Bagama’t hindi natin masasabing sapat na ang ebidensya para magkaroon tayo ng buong larawan, maaari naman nating panindigan na may sapat na tayong ebidensya at dahilan upang pumalaot pa sa ating napasimulan.

Ang mga pangyayaring isinalaysay sa pangalawang bahagi ay mga kuwento ng kababalaghan. Kung susuriin sila ng hiwalay ay tiyak na bababa ang kanilang halaga bilang ebidensya ng kasaysayan. Subalit kapag ipinaloob sa mas malaking konteksto–ang mga naganap na pakikihamok—sila ay nagiging materyales puwertes ng kasaysayan, nagkakaroon ng bagong buhay. Mas maliwanag ngayon na bukod sa mangilan-ngilang pangyayari tulad halimbawa ng mga paghahamok noong 1609 at 1613, ng paggamit ni Valintos sa pangalan ni Sultan Kudarat, ng paninindigan ni Dabao laban sa pangangalap ng mga trabahante para dalhin sa Kabite, o ng piano nina Bilto at Macusang na pagpapatayin ang mga Kastila, mahihirapan na tayong makakita ng iba pang palatandaan na ang mga Kastila, higit sa lahat ang mga prayle, ay itinuturing na kaaway ng mga sinaunang Pilipino. Mas mabigat ang mga ebidensya na nagpapakita ng ating pagtanggap sa mga Kastila, bukal sa loob at hindi ipinilit.