Tag Archives: Lupang Ninuno

Nakaugat sa Isyu ng Lupang Ninuno, Naka-angkla sa Adat at Islam (Ang Patuloy na Nakaraang Bangsamoro)

Noong 22 Hunyo 2001, nilagdaan ng Gobyerno ngRepublika ng Pilipinas (GRP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Kasunduan sa Kapayapaan sa Tripoli, Libya. Inilatag ng naturang kasunduan ang mayor na mga aspeto na pag-uusapan sa pormal na negosasyon pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang panig. Ito ay ang mga sumusunod: seguridad; yumanitaryan, rehabilitasyon at kaunlaran; at ang lupang ninuno.

Nilagdaan ng dalawang panig ang isang Pinagsamang Pahayag (Joint Communique) at ang Mga Gabay sa Pagpapatupad (Implementing Guidelines) ng mga pinagkasunduan sa aspeto ng seguridad ng Kasunduan sa Kapayapaan noong 7 Agosto 2001. Sumunod dito ang Mga Gabay sa Pagpapatupad ng mga napagkasunduan sa aspetong yumanitaryan, rehabilitasyon, at kaunlaran noong-7 Mayo 2002. Sa kasalukuyan, isang aspeto na lang ang nalalabi para sa pormal na usapan sa negosasyong pangkapayapaan, ang aspeto ng lupang ninuno ng Bangsamoro.

Sa panahon ng todong digmaan (all-out war) ng administrasyong Estrada noong taong 2000, high na tumampok at mas naging malalim ang pakikisangkot ng simbahan, ilang organisasyong di-gobyerno (non-government organization o NGO), mga organisasyong bayan (peoples organization o PO), mga institusyon at mga indibidwal na nagtataguyod ng kapayapaan (peace advocates). Hindi lang sila nagkasya sa gawaing pagbibigay-tulong at rehabilitasyon ng mga bakwet mula sa mga eryang apektado ng digmaan. Nanawagan din sila sa dalawang panig para sa tigil-putukan at pagpapatuloy ng naudlot na prosesong pangkapayapaan, bunga, una ng mga opensibang militar noong Pebrero 2000 at pagkatapos ng mga paglabag sa kasunduang tigil-putukan noong Marso 2002.

Noong Hunyo 2003, ang MILF ay magkaisang panig na nagdeklara ng sampung-araw na suspensyon ng mga opensibang militar o suspension of military operations (SOMO). Sa isang banda ito ay tugon sa panawagan ng mga organisasyong panlipunang sibil (civil society organizations o CSO) lakip ang simbahan sa pangunguna ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) at Bishop-Ulama Forum of the Philippines (BUFF). Pero pangunahin, pagsunod ito sa mga binitawang komitment ng dalawang panig sa usapang eksploratori noong 23-27 Marso 2003 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ganitong konteksto nagiging pangangailangan ang isang buod na pag-aral sa isyu ng lupang ninuno ng Bangsamoro sa kasalukuyang Pilipinas. Para sa mas aktibong pakikisangkot ng mga CSO at mga institusyong -naghahanap ng kapayapaan sa Mindanao at Sulu, isang malaking rekisito ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa isyu ng lupang ninuno ng-Bangsamoro.

Ang tsir ng CBCP ng mga panahong yon, si Arsobispo Orlando Quevedo, ang nagsabing kailangang harapin at bigyan kalutasan ang ugat ng armadong hidwaan, at kung hindi, hindi kailanman makakamit ang madulas mahawakan na panghabang buhay at komprehensibong kalutasan sa napakatagal ng hidwaan (Mindanews, 9 Mayo 2003). Ipinakikita ng iba’t ibang -naunang mga pag-aaral na ang pagbawi sa “kanilang mga karapatan sa kanilang mga lupang ninuno ang ubod na ekspresyon sa kanilang karapatan para sa sailing pagpapasya” na matagal nang ipinaglalaban ng mga mamamayang Moro (Fianza 1994).

Ang Ugat ng Pakikibakang Moro: Pagtatanggol at Pagbawi sa Mga Lupang Ninuno

May tatlong batayan sa pagpapatunay ng pagkalehitimo ng pag-angkin ng isang partikular na grupo sa isang tiyak na teritoryo o lawak ng lupain bilang lupang ninuno nito. Unang batayan ang pagiging una sa pag-ukupa sa isang erya ng grupong umaangkin dito bilang kanilang lupang ninuno. Ito ay maaari rin kung binigyan ng pahintulot ng orihinal na umukupa nito ang grupong umaangkin na permanente nang nanirahan sa erya. Isang halimbawa rito ay ang mga lupang ninuno ng mga Moro sa Zamboanga na orihinal na inukupa ng mga grupong di-Morong Subanen.

Ang ikalawang batayan ay ang walang patlang at tulurtuloy na paninirahan at paggamit sa lupa ng isang partikular na grupong umaangkin dito. Ang ikatlo ay ang buhay na tradisyon ng komunal na Pag-sari sa erya ng mga angkan ng partikular na grupong etnolingwistiko at karaniwang naninirahan sa magkakaratig na teritoryong bumubuo sa katutubong lupain nito (Rodil 1994).

Mula’t sapul, napatunayan na sa iba’t ibang pag-aaral na ang mga grupong katutubo sa Mindanao, Sulu, at Palawan ang umuukupa sa mga erya kung saan sila konsentrado hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Sa boob ng mahigit na 300 taon mula 1565 hanggang 1898, sinagkaan ng mga grupong Moro ang pakanang kolonyal ng mananakop na Kastila. Hanggang sa pagsasara ng paghaharing Kastila sa bansa noong  1898, walang makabuluhan at malawakang pagpapatalsik sa mga katutubong mamamayan sa Mindanao — Moro at di-Moro, mula sa kanilang lupang katutubo (Rodil 1994). Kaya, raasasabing ang mga grupong Moro ang tuluy-tuloy na umuuukupa sa kanilang tradisyunal na mga erya hanggang 1898.

Ipinakikita ng sumusunod na lista ang tradisyunal na mga teritoryong pinaninirahan ng populasyong tangi o mayorya Moro, magkasamang Moro at di-Kristyanong Lumad at magkasamang Moro, Lumad na Kristyano at di-Kristyano.

Lista  A. Tradisyunal na mga  Eryang Bangsamoro 1596-1898

[Refer to the Original Copy]

Sa Lanao del Norte, na hanggang 1898 ay mayorya ang populasyong Moro, mayorya na ngayon ang mga Kristyano. Liban dito at sa Cotabato City, lakip ang Maguindanao, ang mga prubinsya at mga syudad sa mga eryang tradisyunal na tangi o mayorya Moro ang populasyon mula 1596 hanggang 1898, ang bumubuo ngayon sa Autonomous RIgion of Muslim Mindanao o ARMM.

Nagawa ng mga pwersang Kastila na paliitin ang mga  erya ng mga Moro sa ilalim ng pamumuno ng mga sultanato. Nagawa rin nito na umugat ang Kristyanismo sa silangan, habagatan, at kanlurang mga bahagi ng Mindanao simula ng unang Kati ng ika-7.7 siglo. Kaya ang mga prubinsya ng Surigao, Agusan, Misamis, at Zarnt)oanga, hban sa Zamboanga City ay naging tradisyunal na mga teritoryo rig mga katutubong di-Moro na Kristyano at di-Kristyano.

Sa makasaysayang yugtong ito, ang naghaharing mga sultan , sa Sulu at Maguindanao — si Bongsu sa una at Kudarat sa huli, ay lumagda rig hiwalay na mga kasunduan sa kolonyal na gobyernong Kastila. Piing raga kasunduang ito noong 1645 sa sultanato ng Maguindanao at 1646 sa Sulu, ay naglinaw sa mga dyurisdiksyong teritoryal ng bawat isa.

Ang mga kasunduang ito ng mga sultanatong Moro, kasami rig iba pang kasunduan sa pagitan rig Espanya at iba pang mga bansa ay sapat na pruweba sa pandaigdigang pagkilala sa nagsasarili at malayang mga bansa-estadong Bangsamoro. Kaya, ang mga lupang katutubo at ninuno ng mga grupong Moro ay may katangian ng pagiging mga teritryo ng ragaestado (Rodil 1994). Ang lupang katutubo na mas gins mit sa gt mga diskursong sosyolohikal, sa kaso rig Bangsamoro, kung ghyun ay maaaring salitang gamitin sa pakahulugang tinubuang lupa (homeland) at teritoryong pang-estado (state territory) na mas ginagamit sa mga diskursong pulitikal.

Ang nabanggit na mga kasunduan rig mga sultanato sa kolonyal na gobyernong Espanyol ay pagpapatunay rin na nakidigma ang mga grupong Moro sa mga mananalakay para ipagtanggol ang kanilang mga lupang ninuno at tinubuan kung saan nakaangkla ang kanilang buhay panlipunan. Ang paglilinaw sa dyurisdiksyong teritoryal rig bawat isa sa mga kasunduang nabanggit ay kailangan para bigyan puwang ang paghahari ng kapayapaan kahiman pansamantala lang.

Ang malawakang pagpapatalsik sa mga katutubong grupo sa Mindanao mula sa kanilang mga lupang ninuno ay nagsimula sa panahon rig kolonyal na paghahari ng imperyalismong Estados Unidos (EU) sa unang mga taon ng ika-20 siglo. Ang kolonyal na gobyemong Amerkano ay nagpatibay ng mga batas kaugnay sa lupa at nagsimula ng mga programang humati sa mga lupang ninuno ng mga katutubo — Mom at di-Moro. Nagsimula rin ito ng programang setelment pars ganyakm. ang malawakang pandarayuhan mula sa Luson at Kabisayaan.

Ang magkakambal na mga hakbang na ito ay nangahulugan sa esensya ng pangangam kam ng lupa at kumbersyon ngmga ito. Maraming pamilyang setler ang nagkaroon rig maliliit na mga sakahang homsted samantalang ang mga malalaking kapitalista na karaniwa’y dayuhan ay nagbukas ng malalawak na mga lupaing ginawang mga plantasyon, rantso, trosohan, at enklabong industriyal. Ang gobyerno naman ay nagtayo ng mga impraistruktura sa ilang bahagi ng mga lupang ninuno rig mga katutubo.

Mga nakabase-sa-EU na mga transnasyunal na mga korporasyon ang nabiyayaan ng mga konsesyon sa pagtrotroso sa mga lupang katutubo ng mga grupong Moro. Ang Weyerhauser Corporation lamang, isang dambuhalang kumpanya sa pagtrotroso na pinakamalaki noon sa EU, ay nagkaroon ng konsesyon upang trosohohin ang mga gubat ng Basilan at Cotabato na may pinagsamang lawak na 72,000 ektarya mula sa unang raga taon ng kolonisasyon rig imperyalismong EU.

Mula noon nabawasan ang mga eryang mayorya ang populasyong Moro. Ang Lanao del Norte ngayon ay dominado ng populasyong Kristyano bagaman may mga komunidad sa may hangganan ng Maguindanao at Lanao del Sur na tanging Moro o mayorya ang populasyong Moro. Sa patuloy na pagliit ng mga eryang Moro, ang dating imperyal na prubinsya rig Cotabato na sentro ng sultanato rig Maguindanao ay nahati sa mga prubinsya ng Maguindanao, South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat, at mga syudad ng Tacurong, Cotabato, Koronadal, Kidapawan, at General Santos. Tanging Maguindanao na lang ang may mayoryang populasyong Moro

Sa partikular na mga prubinsya, ang bilang ng mga bayan na mayorya ang populasyong Moro ay makabuluhang lumiit. Halimbawa, sa sensus ng 1918, mayorya ang populasyong Moro (50 porsiyento pataas) sa sampung bayan ng Zamboanga at minorya ito (9.9 porsiyento pababa) sa iisang bayan lamang. Sa sensus ng 1939, iisang bayan na lang sa Zamboanga na mayorya ang populasyong Moro at tatlo kung saan sila minorya. Sa sensus ng 1970, wala ng bayan sa Zamboanga kung saan mayorya ang mga Moro at anim na bayan na kung saan sila minorya (Rodil 1994, 102).

Tapat sa rebolusyonaryong tradisyong Moro, ang mga ma mamayang Moro, sa kabila ng pagsuko at pagpapakumbaba ng mga tradisyunal na mga lider-Moro sa mga pwersang mananakop, ay hindi nagsawalang kibo sa imperyalistang instrusyon sa kanilang mga lupang ninuno. Nasa Tsart 2 ang parsyal na listahan ng mga pag-aalsang Moro laban sa mga kolonyal na pwersang Amerkano mula .1903 hanggang 1934.

Lista B. Parsyal na Lista ng mga Pag-aalsang Moro, 1903-1934

[Refer to the Original Copy]

Ang mga palisiyang sinimulan ngkolonyal na gobyernong Anaerkano ay ipinagpatuloy ng gobyernong Komonwelt sa ikalawang hati ng dekada 1930, at higit na pinasidhi ng kasalukyang republika mull dekada 1950 hanggang sa ngayon. Ang pangangamkam ng mga lupang ninuno ng mga katutubo sa Mindanao ay umabot sa panibagong nook nito noong dekada 1960 nang ang mga transnasyunal na agrokorporasyon ay muling pumasok sa malalawak na mga lupang agrikultural sa Mindanao. Tulad ng inaasahan, naapektuhan ng husto ang mga lupang ninuno ng mga grupong Moro at di-Moro, at sa dekadang ito, apektado na tin ang maliliit na mga setler na dumayo sa isla noong unang inga taon ng kolonisasyong Amerkano.

Ito ang panahong kailangang maging lubusan ang pagpapasidhi ng pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang kolonya at malakolonya ng imperyalismong EU tulad ng Pilipinas.

Muling nag-alab ang pakikibakang Moro. Ang nagsimulang hiwahiwalay na mga armadong sagupaan dulot ng suportado-ng-militar na pakanang pangangamkam ng lupa ng organisadong rnga.sagadsaring anti-Morong dayong setler ay nauwi sa isang malawakang digmaan pars sa pambansang kalayaan at karapatan para sa sanding pagpapasya sa tinubuang lupa, ang Digmaang Moro ng dekada 1970.

Narito ang pag-aaral sa isang kaso kung paano ang isang lokal na pangyayari sa Carmen, North Cotabato ay nagpainit sa mga mamamayang Moro sa kabuuan ng Mindanao at nagluwal sa isang koordinado atmalawakang pakikibaka pars sa karapatan sa sariling pagpapaya ng Bangsamoro.

Pag-aaral sa Kaso ng Masaker sa Manili, Carmen, North Cotabato, 1971

Dati’y mayorya ang populasyong Moro sa Carmen, isang bayan sa North Cotabato sa may hangganan nito sa prubinsya ng Maguindanao. Nagkaroon nang tensyon sa erya nang mapatalsik sa posisyon bilang mayor si Datu Dima Dalid, isang tradisyunal na lider-Moro. Tinalo siya ng isang Kristyano sa pamamagitan umano ng pandaraya sa eleksyon ng 1971.

Sa panahong ito, isang armadong grupo ng mga vigilanteng Kristyano — ang ILAGA, ang uniiikot at nananakot sa mga sentrong bayan at haywey sa mga eryang Moro. Ilang masaker na ng mga sibilyang Moro ang kanilang naisagawa sa ilang bayan ng South at North Cotabato, maging sa Carmen mismo. May parsyal na listahan ng mga masaker na pinangunahan ng kutsabahang militar-ILAGA mula 1970 hanggang 1972 si Salah Jubair sa kanyang librong Bangsamoro: A Nation under Endless Tyranny.

Ayon sa Associated Press (AP), isang Amerkanong ahensyang pambalita, ang ILAGA ay binuo ng pitong pulitikong Kristyanong setler — na kilala sa tawag na Magnificent 7 sa Cotabato. Alam ng lahat na ang grupo ay suportado ng isang upisyal militar na malaon ay naging gobernador ng North Cotabato, si Kolonel Carlos Cajelo. Maging ang dating presidente ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal ay nagsabing “ang mga otoridad ang nagpahintulot at pinaniniwalaang nag-armas sa ILAGA” (Cunanati 1992).

Noong 19 Hunyo 1971, inimbita ng Hang lokal na lider-Kristyano ang kanilang mga kapitbahay na Moro para sa isang usapang pangkapayapaan sa lokal na moske. Nagpasalamat ang mga Moro sa ideya. Ngunit ang pinawagan para sa isang dayalogo ay naging masaganang ‘pagdanak ng dugo ng mga inimbitahang Moro.

Dalawampu’t tatlong Wald na nakasuot ng unipormeng patig tulad ng mga sundalong Philippine Constabulary (PC) at armado ng mga shotgun at otomatik na mga ripleng carbine ang biglang pumasok sa moske at walang patumanggang nagpaptitok. Nagpulasan ang mga tao nang isang granada ang inihagis sa gitna nila. Sitenta ang unang nabalitang namatay agad-agad at mahigit sa labing pito ang nasugatan sa mahigit sa 100 nagtipon sa maliit na moskeng nipa sa Manili. Lumubo sa 123 ang namatay sa sumunod na mga araw. Isang hiwalav na mga grupo ng mga vigilante ang namuwersa sa iba pang mga Morong residente na pumunta sa paaralang pampubliko. Pagkatapos, pinaputokan nila ang mga Moro. Sampu agad ang patay.

Mula sa iba’t ibang sektor, mula sa maliliit na magsasaka hanggang sa mga lider-Moro sa boob at labas ng gobyerno, at sa akadim ang agad nagkapit-bisig. Mabilis silang nagkaisa sa harap rig tanawnila’y pakanang genosayd o pag-ubos sa mga Moro sa Pilipinas ng gobyerno.

Uraradang lumayas mula sa Carmen ang mga naninirahang Moro sa Manili. Inakupahan agad ng naghihintay Lang na mga ILAGA at mga tagasunod ang lupang ninuno na sinasaka ng mga magsasakang Moro. Agaran nilang pinatituluhan sa kanikanilang mga pangalan ang lupa batay sa mga makabagong batas sa lupa na sapilitang ipinatutupad sa hanay ng ng mga grupong Moro na may nakagawiang komunal na pag-aari, kontrol, at paggamit sa mga lupang ninuno.

Ang Carmen ngayon ay isang bayang mayorya na ang mga kristyano Maya’t maya nagiging plaspoynt ito sa patuloy na armadong sagupaan rig mga pwersang gobyerno at Moro, liban kung may umiiral na tigil-putukan sa pagitan nila (Jubair 1999; Rodil 1994; Cunanan 1992).

Hindi nag-iisa ang kaso ng Manili, Carmen, North Cotabato kung saan ang hidwaan sa lupa ay nauwi sa patuloy na sagupaan ng Ina pwersa rig gobyerno at mga pwersang Moro. May kahalintulad na kaso sa Inudaran, Kauswagan, Lanao del Norte sa parehong panahon. Ang walang tigil na digmaan ng gobyerno laban sa MILF ng taong 2000 ay nagsimula sa Inudaran, buwan rig Pebrero at nagwakas sa Camp Abubakar ng Hulyo.

Ayon kay Hatimil Hassan:, isang namumunong lider ng MNLF, ang sitwasyong nawalan ng kapangyarihan ang mga Moro ay resulta ng malawakang pagpapalayas sa kanila mula sa mga lupang ninuno nila at naging batayan sa pagiging minorya nila sa kanilang tinubuang lupa mismo. Idinagdag pa niya na ito ang naging ugat sa malawakang insureksyon noon ng mga Moro (Hassan 1980).

Modo sa Pagmamay-ari, Kontrol, at Paggamit sa Lupang Ninuno

Ang pag-angkin ng Bangsamoro sa mga itinuturing na mga lupang ninuno nila ay batay sa kanilang mga tradisyunal na batas o adat, at mga batas ng Shar’iah at Figh sa Islam na kaugnay sa lupa at mga propriedad na itinuturing na waqaf (MILF December 2003).

Bagaman di, nakasulat, ang adat ay oral na pinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa sumusunod ng mga angkang umaangkin sa isang lawak ng lupa bilang lupang ninuno nila. Ang batas ng Shar’iah ay batay sa Quran — ang aklat ng mga rebelasyon ni Allah kay Propeta Mohammed, at sa Sunna — ang rekord ng buhay at tradisyon ng Prop eta-Ang dalawa ay ang mga dapat sundin ng mga Muslim sa papg-araw-araw nilang buhay.

Ang Figh ay mga kaisipang dyurisdisyal sa Islam , na ang Pinakatanggaptanggap ay: ang Hanbali, Maliki, Safti, at Hanafi. Itinuturing ng Bangsamoro ang kanilang mga lupang ninuno bilang waqaf o propriedad na inilaan rig orihinal na (mga) nagpaunlad nito para sa kagalingan ng isang indibidwal o kalipunan ng mga tao na tinukoy niya/nila bilang benepisaryo (WAQAF http://islamicworld.net).

Nang wala pa ang Islam sa Pilipinas, ang mga katutubong batas na tinatawag na adat kaugnay sa lupa ay ang legal na batayan sa pagmaymay-ari, kontrol, at paggamit ng mga lupang ninuno para sa mga grupong Moro at di-Moro sa Mindanao, Sulu, at Palawa . Hindi nagapi ng kolonyalistang Kastila, ang kalakhan ng Mindanao y hindi nakumbert sa mga enkomyenda o lupang pinarnimigay sa mga tapat na tagasunod sa trono ng Espana, tulad ng sa Luson at Kabisayaan. Ang kumbersyon sa enkomyenda ang naging batayan sa pribadong pag-aari sa malalawak na mga lupain — ang mga asyenda’t mga lupang prayle sa Luson at Kabisayaan. Nanatili sa kalakhan, na komunal ang sistema ng pagtnamay-ari, kontrol, at’ paggamit sa mga lupang katutubo sa Mindanao, Sulu, at Palawan.

Ang panlipunang buhay ng mga grupong Moro ay umiikot sa lupa. Pinili nilang ipreserba ang kanilang mga katutubong gawi kesa lubusang lamunin ng narnamayaning takbo ng pamumuhay sa lipunang Pilipino. Bagaman, tulad ng iginigiit ng mga pwersang Bangsamoro, ‘legal at imoral na inaneks sa teritoryo ng Pilipinas ang kanilang tinubuang lupa ayon sa napagkasunduan ng EU at Espanya sa Kasunduan sa Paris ng 1899, nagpatuloy ang katutubong mga modo sa pagmamay-ari, kontrol, at paggamit sa lupa sa hanay ng mga Moro. Bagaman napingasan na, nagpapatuloy pa rin ito magpahanggang ngayon sa makabuluhang lawak ng itinuturing na teritoryong Bangsamoro.

Sa hanay ng mga Moro, ang lupa ay itinuturing na pusaka (propriedad na ritana o katutubo). Minamana ito at inaangkin batay sa karapatan sa paggamit (right to usufruct) kung saan maging ang datu ay walang karapatang ariin, ipagbili, o ipamigay. Maaaring magkaroon ng mga sagka sa paggamit ng lupa (encumbrances tulad rig pagpreprenda sa mga tanim dito) ngunit hindi ito kailanman maihihiwalay sa paggamit ng komunidad. Ang karapatan sa paggamit ay maaaring ibigay bilang regalo o bahagi ng kabayaran sa babaeng mag-aasawa (bride price) batay sa kolektibong desisyon ng agama (komunidad ng mga katutubo). Walang sinumang makapagmamay-ari nito, maging ang datu na meron tang responsibilidad na ibahagi ang paggamit dito sa kanyang mga sakop.

Para sa mga Tausug ng Sulu, ang sultan at ang datu ay ang mga tagmustahak (tumatayong administrador) ng lahat ng mga lupaing komunal at mga produkto nito. Bawat lokal na pinuno ay may mustahak o posesyon rig mga lupang ninuno ng angkang kanyang pinamumunuan. May kaparehong konsepto ang mga Maguindanao sa Cotabato.

Ang konsepto ng mga Tausug sa sukuh (bahagi o share) ay tumutukoy sa karapatan sa paggamit ng walang karapatang ipagbili. Inaaplay ito sa mga gubat, di-kultibadong mga lupa, mga ilog, mga kogonan, at mga sapa. Sa mga Maranao ang gapa o mianggagapa na siyang lupang ibinabahagi at minatnana ang paggamit ng sinuman sa angkan na me karapatan mula sa orihinal na umukupa, nagbungkal at naglinis dito para mapanirahan o maging produktibo.

Ang gapa ay kaiba sa kakola, ang komunal na lupa ng buong agama (komunidad), inged (bayan) o pangampong (prinsipalidad). Pinagmamay-ari at ginagamit ito ng komon. Kinabibilangan ito ng mga gubat, mga ilog, mga dagat, mga palayan at mga eryang kogonal na hindi inaangkin ng anumang angkan. Kahalintulad ito sa konsepto ng sukuh ng mga Tausug.

Sa kabila ng pagyakap sa Islam ng mga katutubong grupong naging Moro, hindi nawalan halaga o naisantabi ng bagong balangkas idyolohikal ang mga katutubong batas sa pagmamay-an at paggatmt sa lupa. Nagpatuloy pa nga ito sa kabila ng sapilitang pagp apatupad dito sa hanay ng mga Moro ng bagong mga mananakop. Ayon sa isang iskolar, ito ang patuloy na nakaraang Bangsamoro (Bangsamoro continuing past).

Isang pag-aaral ng AFRIM (2003) sa panlipunang porrnasyong Moro ang nagpakita na malaking bahagi ng mga respondente ay nakakapagmay-ari o nakakagamit ng kani-kanilang sakahan batay sa tradisyunal nilang mga gawi kaugnay sa lupa. Taliwas ito sa karaniwang pagbili o tahasang okupasyon sa mga deklarado ng gobyerno na lupang pampubliko batay sa makabagong mga batas sa lupa na ipinatupad mula sa unang mga dekada ng direktang paghahari ng imperyalismong EU sa Pilipinas.

Ang Tsart 1 ay nagpapakita sa distribusyon ng mga porsyento sa raga sagot ng mga respondente. Ang mga respondente ay mula sa mga mayor na grupong Moro mula sa Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, at North Cotabato. Wala sa dyurisdiksyon ng ARMM ang huling dalawang prubinsya. Ngunit may makabuluhang bilang ng mga komunidad na Moro sa mga saklaw nito.

Tsart 1. Tradisyunal na mga Paraan sa Pagmamay-ari/ Paggamit ng Lupa ng mga Pamilyang Moro

[Refer to the Original Copy]

Ang mga Moro ay may tradisyunal rin na praktis sa pangangalaga ng maratabat. Ang maratabat ay tumutukoy sa “magandang reputasyon na iginagawad ng kornunidad sa isang tao o grupo na nagpakita ng kanya/ kanilang kakayahan sa pagharap sa mga hamon at mga stake sa kaniya/ kanilang mga papel sa lipunan.” (Esmail Disoma 1982, sa paggamit ni Intuas Abdullah 1989).

Ang isang Moro na nakaramdam ng pang-aabuso ay maaaring anti hanggang sa punto ng paglulunsad ng rido o digmaan ng kanyang angkan laban sa angkan ng urnagrabyado sa kanya, kung sarado na siya sa opsyon ng mapayapang pag-aayos. Ang pagkamkam sa lupa para sa isang Moro ay pagdungis sa kanyang dangal, sa kanyang maratabat na dapat lang ipaghiganti, karaniwan sa pamamagitan ng tido, upang linisin ang kanyang maratabat.

Ilang armadong sagupan na mga kaso ng rido sa pagitan ng mga angkan, at nagpapatuloy magpahanggang ngayon, ay ng ang armadong sagupaan na mga kaso ng rido sa pagitan ng panahong hidwaan sa lupa at nagsimula pa sa unang mga taon ng ika-20 siglo (Rad Silva 1979). Ang sumusunod ay dalawang pag-aaral sa mga kaso ng rido na kaugnay sa hidwaan sa lupa.

Angkang Dimaporo. Isang Maranao at tubong Binidayan, Lanao del Sur si Ali Dimaporo. Noong dekada 1940, pumunta at nanirahan siya ng may isang taon sa Pantaran, Buayan, Karomatan, Lanao del Norte, kung saan kinaibigan niya ang datu ng mga Iranian na katutubo sa erya. Binigyan siya ng datu ng Buayan ng isang ektaryang,lupa bilang PatibaY ng kanilang p agkakaibigan. Tinanggap niya ang regalo pero bumablz muna siya sa Binidayan para bumalik uli sa Pantaran makalipas ang may isa uling taon.

Gusto niyang sakahin ang-lupa na iniregalo sa kanya pero sinabi niya sa datu na kulang ito sa kanyang pangangailangan. Sa kagustuhan ng datu na manirahan siya sa Pantaran, pumayag ito sa hiling nito na pagbentahan siya ng karagdagang lupa. Maluwag sa loob na pinagbilhan niya ito ng isang bahagi ng lupang nasa ilalim ng kanyang kontrol bilang tagmustahak ng lupang ninuno. Naganap ang transaksyon ng hindi alam ng mga sakop na Iranun ng datu.

Sumunod kay Ali ang kanyang kapatid na si Naga mula Binidayan. Bumili rin siya sa bulubunduking bahagi ng lupang ninuno ng mga Iranun sa Pantaran mula sa datu. Hindi pa rin alam ng mga sakop nito ang sumunod na transaksyon kay Naga Dimaporo.

Noong una, pinatulong ng magkapatid ang mga Iranian na sakop ng datu sa pagpapaunlad sa kanyakanyang lupa. Pero pagdating ng panahon tingin ng magkapatid ay angkop na, pinuwersa nilang lumps ang mga Iranun mula mismo sa lupang ninuno ng mga ito. Sa puntong ito na lang nalaman ng mga sakop ng datu ang ukol sa mga transaksru sa magkapatid na Dimaporo.

Mararni sa mga Iranun na kinamkaman ng lupang ninuno ang lumaban pero nagapi sila ng Inas armado na mga tauhan ng magkapatid. Ang ilan ay napilitang umalis. Ang iba ay nanatili dahil sa wala na silang ibang mapupuntahan para mamuhay sana ng mapayapa. Nagsimula ang serye ng mga rido.

Mula Karomatan sa Lanao del Norte, nagpalawak ang, magkapatid sa kanilang mga lupain sa mga bayan ng Sultan Gumander, Ma labang, pampulitika sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng malalawak na at Kapatagan sa Lanao del Sur. Lumakas ang kanilang kap plantasyon, palaisdaan, at sa pangangalakal. Ang ilan ay napsakamay nila noong panahon ng diktadurang Marcos kung kailan naging kroni ng diktador si Ali.

Naging gobernador ng Lanao del Sur at presidente ng Marawi. State University (MSU) sa Marawi si Ali Dimaporo. Isang dating gobernador ng prubinsya, si Arsenio Quibranza na dati’y kalaban niya pulitika ay gaging alyado niya kalaunan. Kalaunan nakuha niya ang titulo sa pagiging Masiu, isa sa apat na pangampong ng mga Maranao, kahiraman wala siyang kaliwatang dugong bughaw (mga interbyu 2003).

Patuloy ang rido ng dating nagsasaka sa lupang ninuno na kinamkam ng magkapatid. Noong dekada 1970, nakipagkaisa sila sa MNLF. Nang mag-organisa ang MILF, dito na sila pumanig. Maya’t maya, pumuputok ang armadong sagupaan sa pagitan ng mga biktimang Iranun at mga pwersang Dimaporo. Madalas nagiging laman ng peryodiko ang raga sagupaang ito dahil sa sidhi at tagal ng labanan. Noong taong 2000, sa panahon ng todong digmaang rig administrasyong Estrada laban sa MILF, naglunsad ng mga ambus ang una laban sa huli. Sa kontra-atake nito, ang pwersang Dimaporo ay gumamit sa arsenal ng militar na nasa erya ring mga panahong yon, tulad ng helikopter, sa pagbobomba sa mga posisyon ng katunggaliiag pwersa (mga interbyu, 2003).

Pamilyang Anton. Isang impormante, si Kalibapa Sarip, anak ng, Sultan Sarip ng Nonungan ang nagsabing may lahing Kaatila ang mga Anton. Ang matandang Anton ay nag-asawa ng isang Maguindanao mula sa Cotabato. Ang kanyang anak na si Miguel ay nag-asawa ng mula sa angkan rig Sultan sa Maladeg sa Sultan Gumander, Lanao del Sur. Ang Sultan sa Maladeg ay nagbenta ng isang ektaryang lupa sa kanya kapalit ng isang shotgun.

Naging meyor ng Maladeg si Miguel. Sa panahon ng kanyang pagiging meyor, nagawa niyang tituluhan sa kanyang pangalan ang buong erya ng lupang ninuno na hindi slam rig sultan at sinuman sa kanyang  mga sakop. Sa pagpapatitulo ng lupaing ito, idinagdag pa niya ang ilang bahagi ng lupang ninuno na nasa ilalim ng Sultan sa Liangan at Sultan sa Poroon na hindi rin nila alam.

Nanyutralisa ang Sultan sa Maladeg, ayon sa impormante, bungs marahil sa pagkaignorante o takot sa armadong lakas ng mga Anton. Ang puling dalawang sultan ay nagkaisa sa paglulunsad ngrido. Itinuring silang  mga bandido, hinabol rig mga tropang militar rig gobyerno. Namatay ang sultan sa Poroon sa pakikipaglaban mismo sa bob rig kanyang kampo.

Naging maunlad na plantasyon ang mga lupang nasa kontrol ng magkapatid na Miguel at Bobby Anton. Parehong may mga asawang Kristyano, nagsimula sila ng isang komunidad na Kristyano sa Maladeg, na ngayon ay deklaradong Peace Zone sa ilalim ni Bobby Anton. Nagbenta rin ng ilang bahagi ng mga lupa ng sultan sa Liangan at sultan sa Poroon ang magkapatid. Ilan sa mga bumili ay mgagapagmana ng mga angkang sakop ng naturang mga sultan.

Nagpapatuloy ang mga rido laban sa mga Anton. Kapanalig sila ngayon ng MILF na sa .tingin nila ay namumuno sa pampulitikang pakikibaka para bawiin ang karapatan ng Bangsamoro sa mga lupang ninuno nito. Nagbibigay puwang sila ngayon sa istratehiya ng MILF para sa opsyon ng mapayapang negosasyon para sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagp apasya. Sumusunod sila sa palisiya ngayon ng MILF na tigil-putukan. Nagpipigil sila sa paglulunsad ng mga opensiba laban sa mga Anton bilang bahagi rig pagtupad sa palisiya ng MILE. Alam rin nila na dedepensahan ng militar ang naturang komunidad.

Ayon sa ilang sumama sa isang Fact Finding Mission ng Bantay Ceasefire sa erya noong 2003, birtwal na hamlet ang komunidad na itinayo at binansagang Peace Zone rig mga Anton. Noong panahon ng todong digmaan laban sa MILF ng taong yon, naging launching pad sa pagbobomba ng mga posisyon ng MILF ang hamlet-komunidad ng mga Anton.

Ang Lupang Ninuno Ayon sa Shar’iah at Figh ng Islam

Ang waqaf ay isang salitang Arabo na ginagamit sa Islam sa pakahulugang pagturing sa isang propriedad na napagkukunan ng benipisyo ng hindi ito aktwal na kinukunsumo. Ang benipisyo ay inilaan ng orihinal na may-ari o nagsimula nito para sa kagalingan ng isang tao o grupo na kadalasa’y (mga) tagapagmana niya. Karaniwan na mga propriedad na hindi kumikilos (non-movable) tulad ng lupa o gusali ang maaaring ituring na waqaf. Ngunit nitong nakaraang panahon, may makilos na mga bagay ang itinuturing na ring waqaf, tulad ng mga libro, mga makinaryang pang-agrikultura, mga baka, mga sapi, mga stock at pera. Ang unang waqaf ay ang Ka’aba sa Makkah na inilaan mismo ng Propeta pars sa lahat ng mga naniniwala sa Islam.

Para sa ilang iskolar ng Figh, ang karapatan ng pagmamay-ari ng propriedad na waqaf ay kay Allah lamang. Ang lupa at iba pang likas na mga bagay sa kanilang paniniwala ay amanah o inilaan ni Allah para sa kagalingan ng sangkatauhan. Naniniwala naman ang iba na ang pagmamay-ari ay sa mga benepisaryo bagamat hindi lubos ang pagmamay-an dito dahil hindi ito maaaring ipagbili o gamitin na taliwas sa pinaglagnan ng orihinal na nagsimula nito.

Naniniwala ang ilang iskolar ng Figh na sa minsanang paglalaan ng isang propriedad bilang waqaf mananatili na ito bilang isa nang walang hanggan. Pero may fumatanggap rin ng pagkatemporaryo n pagiging waqaf ng isang propriedad. Sa makabuluhang bilang ng mga lider-Moro, angunang katangian ang katanggaptangap. Batay sa pananawl na ito, ang Falkaalis ng katangiang waqaf sa isang propriedad ay nangangailangan ng mahirap at rnatagal na proseso.

Sa pagkawalang hanggang ng pagiging waqaf, nangangahulugan na ito ay bindi mauling bawasan o gawing patnpubliko maging ng gobyerno. Ang administrasyon ng mga propriedad na waqaf sa ilang bansang Muslim tulad ng Turkey, Egypt, at Syria ay nasa mga hukuman. Sa Egypt, nagmirnintini ang mga korte ng ispesyal na upisina para sa rehistrasyon at sa naga propriedad na waqaf mula pa noong ika-15 siglo. Ang naturang upisina ay nasa ilalim ng dyurisdiksyon ng kataastaasang hukom na dati’y itinuturing na “hukom ng lahat ng mga hukom.”

Itinuturing ng mga lider-Moro ang kanilang mga lupang ninuno bilang mga propriedad na waqaf. Inilaan ng mga kanununuan ng Bangsamoro ang mga lupang katutubong ito para sa kagalingan ng kanikanilang inga angkan o kalipunan ng mga angkan.. Malinaw na walang gasinong pagkakaiba sa mga konsepto batay sa adat at gayundin sa Islam patungkol sa lupang ninuno. Parehong komunal ang pagtingin nlla sa pagrnamay-ari sa mga lupang ninuno at inilalalan ito para sa kagalingan ng sumusunod na mga henerasyon ng kanikanilang mga angkan. Kaya walang nangyaring nakakayanig-mundong pagbabago sa hanay ng mga katutubo nang pumasok ang Islam sa kanilang panlipunang pamumuhay.

Ang pag-aaral na tinukoy sa unahan ay nagpapakita rin na halos kalahati sa mga respondenteng Moro ay mas idling sa mapayapang pag-aayos ng mga hidwaan sa lupa sa pamamagitan ng pagkukumbina sa mga batas ng adat at ng Islam, kung may opsyon pa pars dito. Ipinakikita ng sumusunod na tsart ang distribusyon ng mga sagot sa katanungang ano ang pipiliing batayan sa mapayapang pag-aayos ng hidwaan sa lupa.

Tsart 2. Pipiliing Batayan sa Pag-aayos ng Hidwaan sa Lupa

[Refer to the Original Copy]

Liban pa sa konsepto ng amanah at waqaf sa Islam kaugnay ng lupa, mahalagang banggitin din ang konsepto ng mga Muslim sa mithaq at ibadah. Mahalagang salik ito sa patuloy na pakikibaka ng mga grupong Moro na nakaugat sa isyu ng mga lupang ninuno. Sa paniniwalang mithaq, bawat Muslim, bilang indibidwal at bilang bahagi ng isang komunidad ay may kasunduan kay Allah na isabuhay, sasaksihan, at proprotektahan ang Islam. Lakip sa pagsasabuhay ng mithaq ang praktis ng 5/6 na Pundasyon (5/6 Pillars) ng Islam. Lakip dito ang paniniwala sa walang hanggang pagkabanal ni Allah, ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, pagbibigay ng zakat (buwis), paglalakbay para sa haj sa Makkah at lima.ng beses na pagdarasal sa isang araw. Ang ikaanim, ang paglahok sa jihad ay para as mga Muslim na naninirahan sa mga lugar na may pang-aapi at inhustisya o sa mga panahong namamayani ang mga ito.

May dalawang tipo ng jihad sa Islam, ang jihad asgar at jihad akbar. Layon ng una, o ang lesser jihad na pabagsakin ang mga mapagsamantala at mapang-api. Ang pagsangkot sa pakikibaka para ipagtanggol o bawiin ang karapatan sa lupang katutubo, maaaring hanggang sa punto ng paglulunsad ng rido o digmaang bayan, ay isang anyo ng tipong ito ng jihad.

Ang ikalawang tipo, o ang greater jihad ay nangangako sa indibidwal na magsasabuhay nito ng pabuya na naghihintay sa kanya sa langit. Ang debosyon sa Islam o pagsasabuhay nito, halimbawa ang pagsunod sa koda ng pananamit sa ilang bansa o grupong Muslim, ay anyo ng jihad akbar.

Para sa namayapa ng Salamat Hashim, unang tsir ng MILF, ang mga Muslim ay hindi dapat malimita lamang sa praktis ng 5/6 na mga Pundasyon. Inienganyo rin ni Hashim ang pagsasabuhay ng ibadah. Lakip dito ang pag-imbwelto sa iba’t-ibang aspeto ng buhay panlipunan – pampulitika, pang ekonomiya, panlipunan, at kultural (Lingga 1995). Ang aktibong pag-imbwelto at pagsuporta sa pakikibakang Bangsamoro para sa karapatan nila sa sariling pagpapasya sa tinubuang lupa ay pagsasabuhay ng ibadah o serbisyo kay Allah.

Mga Problemang Kakaharapin sa Pakikibaka para sa Lupang Ninuno ng Bangsamoro

Ang pinakakagyat na isyu sa pag-angkin ng Bangsamoro sa kanilang mga lupang ninuno ay ang balangkas na gagamitin sa pagtatalakay sa nalalabing aspetong ito sa pormal na usapang pangkapayapaan.

Sa suma, ang patuloy na pag-angkin ng Bangsamoro sa mga lupang ninuno, ayon sa mungkahing borador ng MILF, ay batay sa sumusunod:

• Kasaysayan ng lipunang Bangsamoro
• Nakagawiang adat kaugnay sa lupa ng mga grupong Moro
• Ang konsepto ng waqaf sa Shar’iah at Figh ng Islam
• Ang ibat’t ibang pandaigdigang legal na mga instrumento kaugnay ng usapin

Lumagda ang Pilipinas sa legal na mga instrumento kaugnay ng mga lupang ninuno. Me obligasyon ang bansa na ipatupad ang mga ito. Lakip sa mga pandaigdigang legal na instrumento na tinutukoy ng MILF ang sumusunod:

• International Covenant on Civil and Political Rights ng 1966
• International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ng 1966
• United Nations Decolonization Act ng 1960 na para sa pagbibigay ng kalayaan para sa mga bansa at mga mamayamang kolonisado
• International Labor Organization Convention #169 Concerning Indigenous and Tribal Peoples in Independent Countries ng 1989
• Uinted Nations Draft Declaration on the Rights of the Indigenous Peoples
• Mga resolusyon ng United Nations kaugnay ng mga karapatan ng aping mga mamamayan para sa kalayaan at pagpapasya-sa-sarili

Ang gobyernong Pilipino ay naglabas na rin ng mungkahing borador para sa Final Peace Agreement na may tsapter ukol sa mga lupang ninuno ng Bangsamoro. Sa Chapter VI ng borador, isinasaad ng gobyerno ang pagpapataguyod nito sa mga karapatan ng mga katutubong mga mamamayan – Moro at di-Moro sa mga lupang ninuno ng mga ito. Umaayon ito sa “pagkilala, proteksyon, promosyon, at pagpapaunlad sa mga lupang ninuno ayon sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) at iba pang kaugnay na pambansa at tradisyunal na mga batas (Mindanews, 6 Nobyembre 2003).

Ayon sa bise-tsir ng MILF sa usaping pampulitika Ghazzali Jaafar, malabo at limitado ang saklaw ng IPRA. Dagdag pa niya, hindi dapat gawing responsibilidad ng MILF ang pagpapatupad sa IPRA lalo na’t hindi ito bahagi sa pagpapatibay nito. Ayon naman sa isang abogado ng Shar’iah, si Datucolut L. Dagloc, “ang IPRA ay pagkakanulo at paglihis sa soberanya at karapatan ng Bangsamoro sa kanilang mga lupang ninuno.” Idinagdag pa niya, “pinatibay ng mga pagsubok ng pananakop at kolonisasyon”  ang kanilang mga konsepto sa lupang ninuno (Luwaran, 16 Oktubre 2003).

Batay sa matagal ng mga reaksyon ng iba’t ibang sektor sa lipunang Pilipino kaugnay sa pagtatanggol at pagbawi sa karapatan ng Bangsamoro sa kanilang mga lupaing ninuno, inaasahang tumampok ang sumusunod na mga isyu at mga problema kung makakamit nito ang kanilang pangunahing layunin sa pakikibaka:

• Problema sa mga lupang ninuno na nabahabahagi na, titulado o hindi, sa mga dayong setler at sinasaka ngaton ng sumunod na mga henerasyon sa orihinal na mga dayo
• Problema ng mga komunidad na Moro na nasa mga eryang saklaw ng mga prubinsyang hindi saklaw ng ARMM
• Problema sa mga lupang ninuno ng Bangsamoro na ka hangga ng mga lupang ninuno ng mga grupong di-Moro
• Problema sa mga lupang ninuno na nasa kamay ngayon ng mga transnasyunal na mga agrokorporasyon
• Problema sa mga lupang ninuno na may nakatayong mga pasilidad para sa mga impraistruktura
• Problema sa mga lupang ninuno na inaangkin ng higit sa isang angkang Moro

Sa pagbawi ng Bangsamoro sa kanilang karapatan sa mga lupang ninuno, malakas ang reaksyon ng mga pinag-apuhan (descendants) ng orihinal na mga dayong setler o migrant stock. Kaunaunawa sila ang bumubuo sa pinakamalaking grupo ng mga naninirahan at nagsasaka sa mga dati’y lupang ninuno ng mga Moro.

Karamihan sa mga pinag-apuhan ng mga setler ay merong kulang sa sampung ektaryang lupang agrikultural, titulado o hindi. Ngunit pag pinagsamasama, umuukupa ito ng pinakamalaking bahagi ng lupang ninuno ng Bangsamoro.

Ang meyor ngayon ng Davao City (1998-2004), si Rodrigo Duterte, ang madalas rnagpahayag sa paninindigan ng sektor na ito ng populasyon sa Mindanao. Sa ilang pagkakataon sa midya at sa regular na rograma niyang pangtelebisyon, sinabi niya na ang katulad niyang ana o apo ng orihinal na Inga dumayo sa isla ay wala nang babalikan sa pin gmulang Lugar ng kanikanilang mga magulang o apuhan kung patatalsi in sila sa mga lupang dati’y lupa ng mga Moro.

Sa isang liplet na ipinamudmod nito sa isang konsultasy sa mga organisasyong di-Moro na ginanap sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao noong 8 Disyembre 2003, kategorikal na sinabi bg MILF na ang mga eryang sasaklawin ng itatayong estadong Bangsamoro ay mga komunidad na rnayorya ang populasyong Moro.

Kung magiging tapat ang MILF sa pahayag nito, walang dapat ikabahala ang malaking bahagi ng sektor ng populasyong migrant stock sa Mindanao. Ang mga pamilyang setler na naninirahan at nagsasaka lamang sa mga eryang mayorya ang mga Moro ang syang haharap sa pmblemang kaugnay .ng pakikibaka ng Bangsamoro para sa kanilang mga lupang ninuno. Halimbawa dito ay ang Barangay EDCOR sa bayan ng Buldon, Maguindanao na nasa pusod ng Camp Abubakar al-Siddique ng MILF.

Kabaliktaran namang tipo ng problema ang kakaharapin ng mga komunidad ng mga Moro na nagsasaka sa kanilang mga lupang ninuno na nasa loob ng saklaw ng mga prubinsyang hindi kasali sa ARMM. Halimbawa dito ay ang Barangay Munai sa Kauswagan, Lanao del Norte. Ang barangay ay nasa may hangganan ng Maguindanao na saklaw ng ARMM at ng Lanao del Norte na hindi saklaw ng rehiyon. Nasa loob din ito ng isa sa mga kinilala ng gobyernong “kampo” ng MILF, ang Camp Bilal.

Mas malaki ang problema na kahaharapin ng mga pamayanang Moro na malayo sa mga magkakaratig na eryang Moro sa rehiyon ng ARMM. Halimbawa dito ay ang mga pamayanang Moro sa mga prubinsya ng Davao Oriental, Compostela Valley, at Sarangani sa Silangang Mindanao. Nasa bob rin ng mga kampo ng MILF na kinilala ng gobyerno ang mga eryang Moro sa mga prubinsyang ito.

Sa nabanggit na liplet, ipinahayag din ng MILF ang pagtataguyod sa mga karapatan nito sa sariling pagpapasya at pang-ekonomiya lakip na ang karapatan nito na makapagmay-ari ng mga ariarian at karapatan sa kanilang paninirahan. Mahalagang panghawakan ang mga pahayag na ito ng MILF sa mapayapang resolusyon ng mga hidwaan sa lupa sa pagitan ng mga Moro at mga salinlahi ng mga setler.

Noong un a ng mga panahon, tinakda ngiba’t ibanggrupong katutubo — Moro at di-Moro, ang hangganan sa kanikanilang mga lupang ninuno sa pamamagitan ng mga kasunduan. Dahil di nakasulat, ito ay oral na pinapasa sa sumusunod na mga salinlahi. Ang mga hidwaan sa lupa sa pagitan ng dalawa o higit pang mga grupong katutubo ay inaayos ayon sa mga kasunduang ito.

Ilang lider ng mga katutubong di-Moro ay nakikiisa sa paninindigan ng mga pwersang Bangsamoro. Itinuturing nila ang sarili bilang Bangsamoro na sa depenisyon ng mga pwersang Moro ay sumasaklaw hindi lang sa mga naniniwala sa Islam kundi lahat ng mga naninirahan sa Mindanao, Sulu, at Palawan (MINSUPALA) na umaayon sa pakikibaka nito. Isa sa orihinal na kagawad ng Komite Sentral ng MILF ay si Abulkhalil Yahya, isang Tiruray. Ang di-Morong grupong Tiruray ay konsentrado sa Gitnang Mindanao na dati’y sentro ng kapangyarihan ng sultanatong Maguindanao. Ilang bilang ng mga mujaheedin ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF ay mula sa grupong ito. Ang gruppo ay aktibong lumahok sa mga Bangsamoro Peoples Consultative Assembly na idinaos noong 1996 at 2000.

Sa nabanggit na konsultasyon ng MILF noong Disyembre 2003 sa mga di-Morong organisasyon, lumahok si Antonio P. Kinoc, isang lider-Blaan ng isang grupong katutubong di-Moro, ang Mindanaw Talainged, Inc. Sa isang interbyu sa telepono, sinabi niyang ang alyansa ay konsentrado sa mga prubinsya ng Davao del Sur, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, at Maguindanao. Ayon pa rin sa kanya may ugnayan sila sa mga grupong di-Moro Subanen sa Zamboanga at sa mga di-Morong Kalagan sa Davao Oriental at Compostela Valley.

Sa konsultasyon, kinilala niya ang komunalidad ng kanilang problema sa lupang ninuno sa problema ng mga Moro. Nakiisa siya sa pahayag ni Jaafar sa naturang konsultasyon na ang mga hidwaan sa lupa ay haharapin sa panahong mapagtagumpayan na ang pakikibaka para sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya.

Hindi lang siguro sila mangangailangang magtakda ng bagong mga hangganan sa kanikanilang mga lupang ninuno. Karaniwan na humati sa mga lupaing ito ang mga setler at mga salinlahi nito. Samasama rin nilang haharapin ang problema sa mga lipang ninuno ng bawat grupo na ngayon ay nasa kamay ng mga transnasyunal na mga agrokorporasyon, mga ransto o okupado ng mga pasilidad para sa mga impraistrukturang itinayo ng gobyerno.

Sa kabilang banda, may mga lider-katutubo ring di-Moro na hindi  nakikiisa sa pananaw bg grupo  ni Kinoc. Si Datu Ali Saliling, isang Arumanen Manobo, ay nagpresenta ng isang resolusyon ng kanyang  grupo sa mga imbitadong kinatawan ng MNLF (Misuari) at MILF. Ang resolusyon ay ipinalabas sa okasyon ng “Kebpengirerahun Karuranen” ng mga Arumanen (Mindanews, 11 Nobyembre 2003).

Binigyan diin  ng deklarasyon na walang intensyon ang grupong Arumanen na humiwalay sa gobyernong Pilipino o makidigma laban sa Bangsamoro at maging sa mga setler hangga’t nirerespeto ng mga ito ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya. Iginiit nila ang panawagan sa gobyerno at sa MILF na iwanan sila para makapamuhay ng mapayapa sa kanilang erya.

Bagama’t isinantabi ni Kinoc si Saliling bilang diler imbes na lider at pinatutsadahan pa niya ito bilang Macabebe at Makapili (fifth column sa hanay ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng kolonyalismong Kastila ang una, at okupasyong Hapones ang pangalawa), ang posisyon ng huli ay maaaring di lang sa kanya at kanyang grupo. Gayunpaman, mahalagang mabatid na si Saliling ay aminadong kasapi ng Civilian Volunteer Organization (CVO), isang grupong paramilitar na gobyerno na minomobilisa ng mga tropang gobyerno sa kanilang mga operasyong militar laban sa mga rebolusyonaryong organisasyon, Moro at di-Moro.

Ang lahat ng ito’y nangangailangan ng malalim na panlipunang pagsisiyasat sa mga lokalidad na magkasamang pinaninirahan ng mga grupong Moro at di-Moro (katutubo at dayo). Kailangang isaalang-alang ang katarungang panlipunan pareho sa bumabawi at kasalukuyang nagsasakang dayo.

Sa simula ng yugtong kolonyal ng imperyalismong EU, malaking bahagi ng mga lupang ninuno ng mga Morong Yakan sa Basilan ay inukupa at pinatituluhan ng malalaking agrokorporasyon at malalaking panginoong maylupa. Ilan ang nagbukas ng mga plantasyon, karaniwa’y goma. Nawalan ng mga mayamang lupaing ninuno ang mga Yakan ng Basilan.

Ngunit nang ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Basilan, hindi nakonsidera sa pamamahagi ng lupa ang mga Yakan na orihinal na nagmamay-ari sa mga lupang ninuno. Mayorya sa mga nabiyayaan ng lupa sa pagpapatupad  ng CARP sa Basilan ay mga Kristiyano ng mga dayong manggagawa sa mga plantasyon.

Sa Mindanao, ilang lupang ninuno ang ipinailalim sa iskemang Voluntary Offer to Sell (VOS) at Voluntary Land Transfer (VLT) ng CARP ng ilang patriyarkong-Moro at mga manggagantso. Sa maraming kaso, hindi alam ng mga aktwal na nagsasaka sa lupang ninuo ang transaksyon na naging posible dahil sa mga pekeng titulo sa lupa. Naging malaganap ang ganitong kaso ng panggagantso sa rehiyon. Malamang sa hindi, ilang parsela ng mga lupang ninuno ang rematado na ang bangko sanhi ng di-pagbabayad ng tinukoy ng mga nanggantso na mga benipisaryo.

Tinayuan ng mga pasilidad ng mga proyektong impraistruktura ng gobyerno ang ilang bahagi ng mga lupang ninuno ng Bangsamoro. Isa rito ang kinatatayuan ng pasilidad ng proyektong Agus 2 Hydroelectric. Ang mga pasilidad ay umimbwelto sa may 2,090 ektaryang lupa inukupahan at pinaderan ng National Power Corporation (NPC). Sa loob ng pinaderang lupang ninuno may tatlong 60-megawatt na mga generator at mga bahay para sa istap.

Pinatalsik sa kanikanilang mga loteng pampamilya ang may 149 pamilya sa Saguiran, Lanao del Sur dahil sa proyekto ng NPC. Inilipat sila sa Wao, Lanao del Sur, isang bayan sa may hangganan ng Bukidnon. Nang pumutok ang isang sagupaan sa erya noong 1975, limampu’t siyam sa mga pamilyang ito ang pinabalik sa Saguiran. Ngunit sal daan, pinaputukan sila ng mga armadong lalaki na nakasakay sa isang hiwalay na sasakyan na pag-aari ng isang malaking kumpanya ng troso. Aug mga lalaki ay mga tropang paramilitar at myembro ng ILAGA (Rodil 1994).

Isang NGO Moro, ang SALLAM (Save Lake Lanao Movement) ay para sa pagsasara ng Agus 1, isang artipisyal na daluyan ng tubig sa bunganga ng Lake Lanao sa Marawi City sa kadahilanang relihiyoso, kultural, pang-ekonomiya, at embayromental. Sinasabing ang proyekto ay nagpapababa sa lebel ng tubig ng lawa at malaki ang implikasyon nito sa buhay panlipunan ng mga naninirahan sa paligid ng lawa. Walang iba kundi ang naging arsobispo na noon ay nasa Ifarawi City, si Arb. Fernando Capalla at isa pang pari sa syudad din noon ang nagsabi: “Ang paglugaw sa istabilidad ng lawa ay nakakaapekto ng malaki sa kultura at relihiyon ng mga Maranao. Kibuin mo ang to big ng lawa at para mo na ring kinibo ang buhay panlipunan ng mga Maranao na nakatira sa paligid ng lawa.”

Mula’t mula, itinuturing ng mga Maranao ang lawa bilang batayan ng kanilang kultura. Dito nila ginagawa ang kanilang ablusyon (paglilinis ng katawan bago magdasal limang beses sa isang araw), nangitogitda, at umaasa para sa irigasyon ng kanilang palayan. Tinitingnan rig mga Maranao ang lawa bilang yaman na dapat pangalagaan at ipreserba. t Ngunit para sa mga di-Maranao at sa NAPOCOR, ito ay pagkakaI itaan. Damdam ng mga Maranao na kanila ang tubig ng lawa pero hi di sila nakakakuha dito ng kuryente na pumupunta sa komunidad sa kap!atagan ng Mindanao at hanggang sa Kabisayaan.

May mga kaso naman na ang isang tipak ng lupang ninon° ay inaangkin ng higit sa isang grupo kapwa mga Moro. Sa ilang kaso, isa o high pa sa mga grupong umaangkin ay armado. Pagkaminsan, ang isang grupo ay kapanalig ng MNLF samantalang ang isa ay sa MILF.

Maaaring sabihing paglihis ito sa pag-aaral. Ngunit walang pasubali na ang pagpanday sa isang kasunduan kaugnay ng mga lupang ninuno  ng Bangsamoro ay hiwalay na sa usapin sa implementasyon ng kasuhduan. Hindi kasingganda tulad ng gusto ng MILF ang rekord ng gobyerno sa pag-iimplementa ng nakaraang mga kasunduan sa pagitan ng dalawang panig. Ang ma higit sa dalawang taong pagkaantala ng pagpapatuloy ng pormal na usapan sa prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang panig ay dahil sa hindi lubos na pagpapatupad ng gobyerno sa mga komitment na napagkasunduan sa mga usapang eksploratori mula pa noong Marso 2003.

Sinasagkaan ng mga ahensya ng gobyerno ang implementasyon ng napagkasunduang mga Guidelines sa ikalawang aspeto sa Agreement on Peace ukol sa yumanitaryan, rehabilitasyon at kaunlaran sa mga eryang apektado ng digmaan. Napagkasunduan na pangungunahan ng Bangsamoro Development Agency (BDA) na nasa ilalim ng pamumuno ng MILF ang gawaing rehabilitasyon at kaunlaran sa mga eryang ito.

Hindi lang sinasagkaan ng mga ahensya ng gobyerno ang mga hakbang ng BDA sa katuparan ng mga atas, dito. May iniulat pang paniniktik at harasment sa istap nito ng mga operatibang inteledyens sa ARMM (Luwaran. 20 Nobyembre 2003). MagIcakaroon kaya ng kinakailangang pampulitikang kahandaan ang GRP sa anumang mapagkakasunduan kaugnay ng masalimuot na usapin sa lupang ninuno ng Bangsamoro?

Kailangan talagang ganap na maunawaan ng mga organisasrng panlipunang sibil ang kabuuan ng isyu at mga problemang kakaharapin kaugnay nito para sa makabuluhang pakikisangkot sausaping Bangsamoro tungo sa panghabangbuhay at komprehensibong kalutasan nito.

Nota

Ang orihinal ay sinulat sa Ingles para sa Southeast Asia Conflict Situation Network Regional Conference na ginanap noong 16 ng Enero 2004 sa Shangrila Hotel sa Penang, Malaysia.