Mga salitang pangnilalaman ng gramatikang Filipino ; isang pagsusuri

Abstract / Excerpt:

Layunin: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matiyak at masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo ng Cor Jesu College, Davao del Sur sa wastong paggamit ng mga salitang pangnilalaman.
Pamamaraan: Ginamit and pamamaraang deskriptib sorbey o sorbey na naglalarawan. Ginamit naman bilang panlahat na instrumento ang pagsubok na ginawa ng mananaliksik upang tahayin ng mga mag-aaral ng unang taon ng kolehiyo.
Abstrak na Disenyo: Ang layunin ng pag-aaral na ito upang matiyak at masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa unang sa kolehiyo ng Cor Jesu College, Digos, Davao del Sur sa wastong paggamit ng mga salitang pangnilalaman: pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay ng gramatikang Filipino sa taong panuruan 1997-1998. Tiyakin, ang pag-aaral na ito ay sasagot sa mga katanungan: 1. Ano ang antas ng pagkalinang ng kasaysayan sa paggamit ng mga salitang pangnilalaman ng gramatikang Filipino ng mga respodnetn na kumakatawan sa unang taon ng kolehiyo ng Cor Jesu College sa taong panuruan 1997-1998? 2. Ayon sa antas ng pagkalinang, ano ang indeks ng kahusayan ng mga mag-aaral na lalaki at babae sa paggamit ng mga salitang pangnilalaman ng gramatikang Filipino?3. Ano ang pagkakaiba ng indeks ng kahusayan ng mga mag-aaral na lalaki at babae sa paggamit ng mga salitang pangnilalaman ng gramatikang Filipino? Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binuo ng siyamnapu't apat (94) na mag-aaral mula sa limang magkaibang klase na kumuha ng kursong pang-edukasyon. May pitumpu't dalawang (72) mag-aaral na babae at dalawampu't walong (28) mag-aaral na lalaki. hindi pantay ang bilang ng mga lalaki at babae dahil may dalawampu't walong (28) mag-aaral na lalaki ang nakapagpatala sa kursong pang-edukasyon kaya automatiko na silanf respondent ng apg-aaral na ito. Ang mga sumusunod ay mga estadistikang kabuuang bahagdan ng iskor ng mga mag-aaral na lalaki at babae sa limang kasanayan sa pangwakas na pagsubok. 2. bar graph- Ang indeks ng kahusayan ng pagsubok ng mga mag-aaral ay maipakita sa pamamagitan ng bar graph. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay nabuo; 1. Mahkaroon ng masinsinang paglinang ng mga kasanayan sa mga salitang pangnilalaman sa lahat ng asignatura upang mapaunlad at mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol dito. 2. Bigyan nf maraming pagsasanay ang mga mag-aaral sa mga salitang pangnilalaman mapasulat man o mapasailta. 3. Himukin ang mga mag-aaral na dumalo sa mga
(Pagpapatuloy) simposiyum, talumpati, balagtasan at manood ng pelikulang Filipino, drama at palatuntunang Filipino. 4. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magpapahayag ng kanilang saloobin, pasulat man o pabigkas upang matuto silang gumamit ng mga angkop na salita at makabuo ng isang madiwang pangungusap. 5. Pagsikapang linangin namg mabuti ang mga kasanayang nagkamit ng indeks ng kahusayan na nasasakop sa 15-39 porsyento o may kahinaan ng pagkalinang hanggang umabot ang indeks sa 40-70 persyento. 6. Sa mga susunod na pag-aaral, gawing pantay ang bilang ng aytem sa lahat ng bahagi ng panalita upang lalong makita anf indeks ng kahusayan.

Info
Source InstitutionAteneo de Davao University
UnitSocial Science
AuthorsLupo, Juanita J.
Page Count1
Place of PublicationDavao City
Original Publication DateMarch 2, 1998
Tags Dissertations, Filipino language., Grammar
Preview

Download the PDF file .