Balatamay lumena: epiko ng mga Maguindanao sa Balabak, Pikit, Cotabato

Abstract / Excerpt:

ABSTRAK: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magrekord, magsatitik, magsalin at magsuri upang mapreserba and epikong Balatamay Lumena ng mga Maguindanao. Hinahangad din nitong sagutin and mga sumusunod na katanungan: 1) Sinu-sino and mga Maguindanao ng Balabak, Pikit, Cotabato?; 2) Anu-ano ang mga katangian ni Balatamay Lumena bilang bata, anak, mandirigma, at bayani? ; 3) Anu-ano and mga paniniwala, kaugalian, at ritwal ng mga Maguidanaon na nasasalamin sa epikong Balatamay Lumena?; at 4) Paano sinasalamin ng nilalaman ng epikong Balatamay Lumena and lipunang Maguindanaon? Ang epiko ay aktwal na nirekord sa tape recorder mula sa bibig ng nakilalang manghihimig o padadarangen na si Ginoong Mokasil Madali noong Disyembre 1, 2007 sa Sitio Talapesan, Balabak, Pikit, Cotabato. Ito naman ay isinatitik nina Allan at Musanip Sugandi at isinalin ng mananaliksik sa wikang Filipino sa tulong pa rin ni Allan at dating guro ng mananaliksik sa University of Southern Mindanao na si Prof. Shandra G. Dimaudtang. Sa naturang pagsasalin, ginamit ng mananaliksik ang teorya ni Andre Lefevere na akulturasyon o adaptasyon ng isang kultura sa isang kultura. Sa pagsagot naman ng mga kaugnay na katanungan , ginamit ng mananaliksik ang sosyolohikal na pananaw. Sinusuri ng naturang pananaw ang panlipunang gampanin ng literatura at kung paanong gumanap ang literature at kung paanong gumanap ang literatura sa lipunan.

Info
Source InstitutionAteneo de Davao University
UnitSocial Science
AuthorsDalandangan, Fairuz M.
Page Count1
Place of PublicationDavao City
Original Publication DateMarch 2, 2009
Tags Cotabato, Dissertations, Epic poetry, Mindanao Island, Philippines
Preview

Download the PDF file .